^

Punto Mo

Manang Rose (267)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“AYAW ko nang iwan dito si Rene,’’ sabi ni Manang matapos itong tanungin kung bakit hindi na sasama sa pagluwas sa Maynila.

Nagpalakpakan sina Eliz at Gino at iba pa sa sinabi ni Manang Rose.

“Ang sweet naman,’’ sabi ni Eliz.

“Naaawa ako kay Rene kung mag-iisa siya rito. Matagal na nga kaming nagkahiwalay kaya gusto ko lagi na kaming magkasama.”

“Kung yan ang gusto mo, Manang, masusunod. Hanga ako sa pasya mo,’’ sabi ni Eliz.

“Salamat Eliz. Kayo na muna ni Gino ang bahala sa bahay natin. Hindi ko alam kung hanggang kailan ako rito.’’

Biglang sumabat si Rene.

“Habang buhay ka na rito, Rose. Hindi na kita hahaya­ang makaalis dito.’’

Nagtawanan uli sina Eliz.

“Dito na tayo maninirahan. Bibisita na lang tayo sa Maynila,’’ sabi pa ni Rene.

“Ikaw ang bahala. Sunud-sunuran ako sa’yo, Rene.’’

Nagpalakpakan uli sina Eliz.

“Pero Manang dapat magpakasal muna kayo ni Rene—para mas masaya,’’ sabi naman ni Gino.

“Oo naman. Magpapakasal kami, di ba Rene?’’

“Oo.’’

“Ay ang ganda naman ng story n’yo—nagkalayo nang matagal at nagkabalikan at forever na.’’

“Kakaiba talaga—kami lang siguro ang may ganitong story.’’

“Oo nga po. Nakakakilig!’’

“Kahit mga senior na, ha-ha-ha!’’ sabi ni Rene.

(Itutuloy)

vuukle comment

MANANG ROSE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with