^

Punto Mo

Manang Rose (262)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“HINDI pa huli para lumigaya kami ni Rose. Di ba Rose?” tanong ni Rene at hinawakan nang mahigpit ang kamay ni Rose.

“Oo—kahit senior na tayo.”

“Pakiramdam ko batambata pa ako Rose—batang isip, ha-ha-ha!’’

“Para ngang batang isip, ha-ha-ha!’’

Nagtawanan din sina Eliz at Gino.

“Teka nga pala, sino ba ang nakaisip na pagtagpuin kami ni Rose dito—kahanga-hanga. Wala akong nahalata. Ang galing ng iskrip, ha-ha-ha!’’

“Si Eliz po Sir. Siya po ang nakaisip na dito kayo mag-meet.’’

“Wala akong nahalata ah!’”

“Kinutsaba po namin si Mam Norma,’’ sabi ni Eliz. “Mabuti po at nakisama siya.’’

“Ah kaya pala. Nagulat talaga ako na narito sa salas at nag-iisa si Rose.’’

“Ako man e walang nahalata,’’ sabi ni Manang.

“Kahit kaunti, wala?” tanong ni Rene.

“’Yung pangalan na Renerose Farm and Resort medyo nagduda ako, ha-ha-ha!’’

“Talaga?’’

“Bakit yun ang pangalan na ginamit mo, Rene?

“E naisip ko kasi na baka isang araw, magkabalikan tayo at nagkatotoo nga.”

(Itutuloy)

vuukle comment

MANANG ROSE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with