^

Punto Mo

Manang Rose (257)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“NATUKLASAN ko na gagamitin lamang ako ng babaing yun para pagtakpan ang pagbubuntis—ako sana ang ituturong ama. At natuklasan ko rin na kaya grabe ang pagkalasing ko ng gabing yun ay dahil may inihalo sa ininom ko. Kaya nag-blackout ako at walang matandaan sa mga nangyari. Umamin naman ang babae sa kasalanan. Mula nang mangyari ang bangungot na iyon, ipinangako ko sa sarili na hindi na mag-aasawa. Nag-abroad ako at ibinuhos ang sarili sa pagtatrabaho hanggang makaipon at nakapagpundar ng ari-arian. Maliban sa farm art resort, nakabilin rin ako ng lote at bahay sa Sampaloc, Maynila. Kapag lumuluwas ako, dun ako sa aking bahay sa Sampaloc.’’

Nakatingin na walang kurap si Manang Rose kay Rene. Totoo nga ang mga ikinuwento ni Eliz ukol kay Rene.

“Bakit naman hindi ka na nag-asawa?” tanong ni Rose.

“Gaya nang nasabi ko, nagkaroon ako ng bangungot sa nangyari at natakot nang magmahal at mag-asawa.’’
Napatango si Manang Rose.

“E ikaw Rose, sino ang napangasawa mo? Nasan ang pamilya mo? Siguro may mga apo ka na ano?”

“Wala akong asawa. Matandang dalaga ako, Rene.’’

“Magkatulad tayong single?’’

Napatango si Manang Rose.

(Itutuloy)

 

vuukle comment

MANANG ROSE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with