^

Punto Mo

Manang Rose (256)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“MATANDANG binata ka? Wala kang asawa?’’ tanong ni Manang Rose na hindi makapaniwala.

“Oo.’’

At naalala ni Manang Rose ang ikinuwento sa kanya ni Eliz na may kaugnayan kay Rene. Ayon kay Eliz, hindi na raw natuloy ang pagpapakasal ni Rene sa babaing nakasama nito noon sa Baguio. Gusto lang gawing panapal-butas si Rene ng babae. Buntis daw ang babae at balak ipaako kay Rene.

Kung ganoon, totoo ang mga ikinuwento ni Eliz.

Pero gusto niyang malaman ang lahat mula kay Rene. Mas masisiyahan siya kung ito mismo ang magtatapat nang lahat.

Gusto niyang subukan si Rene.

“Hindi ako naniniwala na binata ka pa, Rene.’’

“Binata nga ako, Rose.’’

“Paano ka magiging binata e mayroon kang nakarelasyon nun sa Baguio. Hindi ko malilimutan yun sapagkat…’’ at hindi naiwasan ni Manang na pumatak ang luha. Umagos ang luha sa pisngi.

Nanaig ang katahimikan. Hinayaan ni Manang na tumulo ang luha. Gusto niyang makita ni Rene ang kanyang pagluha. Gusto niyang malaman ni Rene kung gaano kasakit ang naranasan niya noon.

“Hindi natuloy ang pagpapakasal ko sa babaing yun sapagkat natuklasan ko na niloko niya ako,’’ sabi ni Rene.

At inilahad ang buong pangyayari.

Nakinig si Manang sa nag-iisang lalaking minahal niya nang labis.

(Itutuloy)

vuukle comment

MANANG ROSE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with