^

Punto Mo

Hindi pagtataas ng sahod ng employer, maari bang ireklamo?

DEAR ATTORNEY - Atty. Aeron Aldrich B. Halos - Pang-masa

Dear Attorney,

Maari bang ireklamo ang employer kung hindi tumataas ang sahod ng mga empleyado niya? Tatlong taon na po kasi ang nakalilipas mula nang huling nagtaas ng sahod dito sa kompanya namin. — Lenny

Dear Lenny,

Wala namang nakalagay sa ating batas ukol sa obligasyon ng mga employer na taasan ang sahod ng kanilang mga emple­yado, puwera na lamang kung minimum wage earners ang empleyado at nagtakda ng pagtaas ng mininum wage ang regional wage board.

Sa ganyang pagkakataon, kailangang sumunod ang employer at pasahurin ang kanyang mga empleyado batay sa bagong minimum wage.

Gayunman, kahit wala namang sinasabi ang batas ukol sa obligasyon ng employer sa pagtataas ng sahod, maari pa rin itong maging bahagi ng employment contract at ng iba pang kasunduan sa pagitan ng empleyado at ng employer katulad ng collective bargaining agreement (CBA).

Kaya ang maipapayo ko, i-check mo ang iyong employment contract, ang CBA n’yo kung mayroon man, at ang mga umiiral na company policies sa inyong kompanya dahil kung mayroon mang obligasyon ang inyong employer na taasan ang inyong sahod taun-taon ay ang mga nabanggit ang magiging basehan niyan.

vuukle comment

SALARY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with