^

Punto Mo

Sec. Yulo-Loyzaga, choosy sa Manila Bay reclamation project!

DIPUGA - Non Alquitran - Pang-masa

HUGAS-KAMAY o iwas-pusoy? Ito ang katanungan ng mga Pinoy kay Secretary Marian Antonia Yulo-Loyzaga ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa biglang pagbabago sa desisyon nito tungkol sa usapin sa kontrobersyal na Manila Bay reclamation project sa Pasay City.

Noong una, mahigpit ang pagtutol sa proyekto sa siyudad ni Pasay Mayor Imelda Calixto-Rubiano subalit makalipas ang tatlong buwan, abayyyyy kumambiyo ang Kalihim. Imbes na ipatupad ang mandato ng opisina niya sa ilalim ng Executive Order 192, na nilagdaan noong 1987 sa panahon ni President Corazon Aquino, itinuro ni Yulo-Loyzaga ang responsibilidad sa isyu sa Philippine Reclamation Authority (PRA). Magkano… este paano? Dipugaaaaa! Hehehe! Dito na gumagana ang malikot na isipan ng mga Pinoy!

Kung sabagay, hindi na bago itong palusot na turuan sa hanay ng mga opisyales ng ating gobyerno sa hangaring iwasang maipit o di naman kaya’y masampahan ng kaso. May mga pagkakataon din naman kusang nagbitiw na lang sa pwesto ang mga nasadlak sa bulilyaso para tapos agad ang kwento.

Sa kaso ni Yulo-Loyzaga, mas lamang ang hugas-kamay nang sabihin niyang wala sa kanyang mandato ang magsuspinde sa anumang aktibidad na nakakapinsala sa kalikasan. Hindi rin aniya trabaho ng kanyang departamento bawiin ang iginawad na suspensyon. Araguyyyyy! Hehehe! Sa kanyang tinuran, malinaw na umiiwas lang ang Kalihim sa sakit ng ulo.

Bakit kamo? Dangan naman kasi, malinaw sa batas na lumikha ng kanyang kagawaran ang mga trabahong dapat inaatupag ng naturang departamento, batay nga sa E.O. 192 ni Pres. Aquino. Sa ilalim ng EO 92, responsibilidad ng DENR pangalagaan, pangasiwaan at isulong ang wastong paggamit ng likas na yaman na mayroon tayo.

Sa madaling salita, sila ang bida pagdating sa mga usapin kaugnay ng kalikasan. Mismooooo! Hehehe! Hindi naman mawala sa isipan ng mga Pinoy na may nagkapera dito. Dipugaaaaa! Kalakaran naman ‘yan sa alinmang ahensiya ng gobyerno. Ano pa nga ba?

Nang ihayag ang suspensiyon ng Manila Bay reclamation, bakas sa mukha ng kalihim ang tikas at emosyon sa repormang bitbit sa kanyang pagkakahirang sa pwesto. Fast forward tayo. Matapos ang tatlong buwan, nagbago ang ihip ng hangin. “The DENR neither suspended, nor lifted suspension,” ani Yulo-Loyzaga ilang saglit matapos bawiin ang suspension order na ipinataw sa dalawang reclamation projects sa Lungsod ng Pasay. Hehehe! Pasay na naman? Ano kaya ang papel ni Mayor Calixto-Rubiano dito? Sana wala. Ano sa tingin mo Boss Prince?

Sa ganang akin, walang puwang ang hugas-kamay at iwas-pusoy sa mga opisyales ng gobyerno. Kung wala rin naman palang kapangyarihan ang DENR sa usapin ng kalikasan, ano pa ang silbi niya sa sambayanan? Dipugaaaaa! Batid ng mga Pinoy na hindi kayang bayaran si Yulo-Loyzaga dahil galing ito sa marangyang pamilya. Kung tutuusin, barya lang para sa kanya ang buwanang sahod bilang Kalihim ng DENR. Pero ano kaya ang pumipigil sa kanya para magbitiw na lang sa puwesto? Ang buwanang biyahe ba o ang interes ng pamilya sa legal na usapin ng hacienda ng pamilya sa lalawigan ng Palawan? Tsk tsk tsk! Abangan!

vuukle comment

MANILA BAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with