^

Punto Mo

EDITORYAL – Reclamation projects aariba na sa Manila Bay

Pang-masa
EDITORYAL � Reclamation projects aariba na sa Manila Bay

Tuloy na ang reclamation projects sa Manila Bay makaraan ang apat na buwan mula nang ipatigil ni President Ferdinand Marcos Jr. Ayon sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) at Philippine Reclamation Authority (PRA), naisyuhan na ng environmental compliance certificate (ECC) ang Pasay City Eco-City Coastal Development para maipagpatuloy ang reclamation projects. Dalawa ang projects ng Eco-City sa Manila Bay—ang “Pasay 265” at “Pasay 360”.

Sa sandaling mag-umpisa ang projects ng Eco-City, tiyak ipaggigiitan din ng iba pang kompanya ang pagsasagawa ng kanilang reclamation. At tuluyan nang mawawalan ng saysay ang kautusan ni Marcos Jr. noong Agosto 7, 2023 na nagpapahinto sa 22 reclamation projects sa buong bansa. Ipinatigil ni Marcos ang reclamation dahil hindi umano maganda ang pamamahala at operasyon ng mga ito. Isang kompanya lang ang pinayagan ng Presidente sapagkat kumpleto na raw ang environmental clearance. Hindi naman binanggit ng Chief Executive kung ang inaprubahan niya ay ang Eco-City.

Siguradong aariba ang reclamation projects hindi lamang sa Manila Bay kundi sa marami pang bahagi ng bansa dahil sa pagbibigay ng permiso sa Eco-City. Wala namang “ngipin” ang DENR para mapigilan ang mga kompanya. Isa pa rin sa dahilan ay wala namang inilabas na Executive Order si Marcos Jr. Kung nag-isyu ng EO tiyak na may kapangyarihan ang kautusan. Dahil sa salita lang niya idinaan ang pag-uutos sa suspension ng reclamation projects, madaling balewalain.

Tiyak ding magpapatuloy ang mga isinasagawang seabed quarrying sa dalampasigan ng Cavite. Ang dredging operations sa nasabing probinsiya ang dahilan para maapektuhan ang pinagkukunan ng ikinabubuhay ng mga mangingisda. Sabi ng Pambansang Lakas ng Kilusang Mamamalakaya ng Pilipinas (Pamalakaya) marami silang nakitang dredging vessels sa Rosario, Noveleta, Tanza at Naic na nagpapatunay na ang kautusan sa pagpapatigil sa reclamation projects ay walang silbi. Ang dredging operations ay nakaaapekto sa kabuhayan ng mga mangingisda na umaasa sa Manila Bay.

Mayroon ding reclamation projects sa Isla Verde sa Batangas kung saan ginagawa ang liquefied natural gas terminals at power plants doon. Sa Isla Verde matatagpuan ang mayayamang coral reefs, seagrasses at marine fauna. Ang Verde Island Passage ay kilala sa mundo dahil sentro ng global shore-fish biodiversity.

Ngayong may isa nang pinayagang kompanya ang DENR at PRA para sa reclamation sa Manila Bay, matanggihan kaya ang mga susunod pang kompanya na magsasagawa rin ng katulad na aktibidad. O hahayaan na rin kahit magdulot ng pagkasira ng kapaligiran, pagkawala ng pinagkukunan ng kabuhayan ng mga mangingisda at palulubhain pang lalo ang baha sa Metro Manila?

vuukle comment

MANILA BAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with