Kautusan ng SC, dinedma ng PN!

DINEDMA ng mga opisyales ng Philippine Navy ang kautusan ng Supreme Court na ibalik ang lupa ng mga homeowners na sinakop ng Navy golf course sa Fort Bonifacio. Dapat sigurong makialam na si President Bongbong Marcos, ang commander-in-chief ng AFP at PNP, sa isyung ito bago sumiklab ang kaguluhan. Get’s n’yo mga kosa?

Kasi nga ang mga homeowners ng AFPOVAI ay mga retiradong pulis o military at handa silang maghirap kahit matagal nilang makuha ang lupa, na ayon sa kortte, ay para sa kanila. Tsk tsk tsk!

Kaya naman ayaw sundin ng PN officials ang kautusan ng korte ay dahil sa ang Navy golf course ay para sa morale and welfare ng kanilang mga opisyal. Hehehe! Ano na ang nangyayari sa ating bansa kung mismong kautusan ng Korte Suprema ay iniisnab ng mga opisyales ng gobyerno? Eh kung nangyayari ito sa mga retiradong pulis at military na nagsilbi ng di mabilang na taon sa Pinas, paano na lang ang ordinaryong Pinoy? Mismooooo! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan.

Halos 150 lot owners ng Phase 678 Chapter ng AFPOVAI ang sumipot sa general membership meeting sa Villamor Air Base Golf Course para kondinahin ang PN dahil sa patuloy na paggamit ng lupa nila na wala namang renta. Siyempre, kasama rito ang kasunod na action nila.

Pinangunahan sila nina retired Maj. Gen. Guillermo Molina Jr. bilang chairman at retired Maj.  Gen. Vicente Guerzon bilang presidente. Uugod-ugod na itong mga lot owners subalit matapos lumaban vs mga terorista at kriminal heto’t may bagong laban pa sila. Mismooooo! Siyempre, panay maanghang na salita laban sa PN ang maririnig sa okasyon. Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!

Ang PN golf course ay itinayo noong 1976 sa lupa na dineklara ng Presidential Proclamation No. 461 noong 1965 bilang reserved area para sa housing ng AFP veterans. Nagsampa ng kaso ang apat na lot owners sa pagsakop ng kanilang awarded lots at naglabas ng ruling ang Supreme Court pabor sa apat noong 2020. Malinaw na walang dokumento na lumutang para sakupin ang lupa ng AFPOVAI para magtayo ng golf course doon, at wala ding kautusan ang presidente patungkol dito. Araguyyyyy!

“The exclusionary clause, claimed by the Philippine Navy, cannot be used to shield the land on which the golf course stands against the actual purpose for which it was allotted. The Philippine Navy and any of its officers are not vested with the power to classify and re-classify lands of public domain. The Philippine Navy and Golf Club are liable to turn over the lots and pay rental fees,” ayon sa statement ng APFOVAI. Hehehe! Kelangan pa bang i-memorize ‘yan?

Nag-file naman ng motion for reconsideration ang PN nitong 2020 kahit may kautusan na ang Department of National Defense sa Flag Officer-in-Command noong February 2019 na i-transfer na ang lote sa homeowners. Sinupla ng SC Special First Division noong September 13, 2022 ang motion ng PN with finality. Para paikutan ang SC ruling, sinubukan ng PN na magtayo ng housing complex para sa Navy officers sa Blocks 99, 100, 101, 102 at 116, na napaloob sa Phase 678 Chapter area.

Dahil sa maagap na pagkilos ng homeowners, natigil ang groundbreaking ng proyekto. Behhhhh buti nga. Nitong July 26, 2023, naglabas ang RTC 266 ng Taguig City ng writ of execution sa kautusan ng SC, na nadeliber naman ng sheriff sa PN. Mukhang tagilid ang tayo ng PN sa isyu ah, di ba mga kosa? Abangan!

Show comments