^

Punto Mo

EDITORYAL - MM lumulubog dahil sa reclamation projects

Pang-masa
EDITORYAL - MM lumulubog dahil sa reclamation projects

Ang patuloy na reclamation projects sa Manila Bay ang itinuturong dahilan kaya unti-unting lumulubog o bumababa ang level ng Metro Manila. Kapag hindi nasawata ang mga paghuhukay at pagtatambak sa Manila Bay, magiging kapantay na ng kalupaan ang karagatan. At ang resulta: baha!

Kapansin-pansin na madaling bumaha sa mga mabababang lugar sa MM. Kaunting ulan lang, baha na agad. Kalahating oras na ulan, parang dagat na ang mga kalsada tulad ng España Blvd at Taft Avenue sa Maynila. At matagal bago humupa ang baha. Inaabot ng dalawa hanggang apat na oras. Palatandaan ito na mababa o lumulubog nga ang MM.

Ang nangyayaring ito ay hindi dapat ipagwalambahala ng Department of Environment and Natural Resources (DENR). Ang DENR ang may responsibilidad sa kapansin-pansin ang paglubog ng Metro Manila na kung hindi bibigyan ng atensiyon ay maaring matulad sa Jakarta, Indonesia na ayon sa report ay mabilis ang paglubog.

Iniuugnay ang mga malulubhang baha na nangyayari sa Jakarta sa mga nakalipas na taon kaya may konklusyon na lumulubog ang siyudad. Ilang taon na ang nakalilipas, inihayag ni Indonesian President Joko Widodo na maaring palitan ang capital-city ng bansa dahil sa pangambang paglubog.

Posibleng mangyari o nangyayari na rin ito sa MM. Kung pagbabatayan ang mga matitinding pagbaha na matagal bago humupa, talagang masasabi na mababa o lubog na ang kalakhang Maynila. Pumapantay na ang level ng kalupaan sa dagat.

Sinuspende ni Pres. Ferdinand Marcos Jr. noong Agosto 7, 2023 ang reclamation projects ng 22 kom­panya sa Manila Bay. Isasailalim sa masusing pagsusuri at pag-aaral ang mga kompanyang nagsasagawa ng reclamation. Isang kompanya lamang ang pinayagan ni Marcos sapagkat naisyuhan na ito ng environmental compliance certificates.

Subalit ang kautusan ay binabalewala ng mga kompanya at nagpapatuloy sila sa reclamation sa Manila Bay at maging sa Cavite. Sabi ng Pambansang Lakas ng Kilusang Mamamalakaya ng Pilipinas (Pamalakaya) may mga dredging vessels na nagsasagawa ng seabed quarrying sa Cavite. Dahil sa dredging operations nawalan ng hanapbuhay ang mga mangi­ngisda. Hinihiling nila na mag-isyu ng official executive order ang Presidente na nagpapatigil sa reclamation projects sa Manila Bay at iba pang lugar.

Ipatupad naman ng DENR ang kautusan ng Presidente. Magkaroon ng ngipin sa mga kompanyang patuloy sa pagtatambak at paghuhukay sa Manila Bay at iba pang lugar. Iligtas sa paglubog ang Metro Manila at para magkaroon din ng kabuhayan ang mga mangingisda.

vuukle comment

MANILA BAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with