^

Punto Mo

Biglaang pagre-resign ng empleyado, makukuha ba ang final pay?

DEAR ATTORNEY - Atty. Aeron Aldrich B. Halos - Pang-masa

Dear Attorney,

Kung biglaan o agaran ang pagre-resign hindi po ba talaga makukuha ang final pay? Iyon po ang sabi sa akin ng supervisor ko. —Apple

Dear Apple,

Kung magre-resign ang empleyado, kailangang sumunod siya sa nakatakdang notice period bago niya tuluyang lisanin ang kanyang trabaho. Kung walang written na  employment contract o kung mayroon pero walang nakasaad na probisyon ukol dito, kailangang manatili ang ­empleyado ng hanggang 30 araw matapos siyang mag-file ng resignation letter.

Kailangan din na walang anumang employment bond sa kontrata ng empleyado na nagtatakda kung gaano siya katagal dapat manatili sa trabaho.

Gayunpaman, hindi naman ibig sabihin nito ay maari ng ipagkait ng employer sa nag-resign na empleyado ang mga sahod nito na hindi pa niya nakukuha kapag naging agaran ang pag-alis ng empleyado sa trabaho. Hindi maaring galawin ng employer ang anumang bahagi ng kanyang suweldo bukod na lamang sa mga pagkakataong pinapayagan ito ng batas.

Ibig sabihin, hindi puwedeng hindi ibigay ng employer ang sahod ng empleyado sa ­kadahilanang agaran itong nag-resign. Bagama’t puwedeng maharap ang empleyado sa demanda para sa hindi niya pagre-render ng sapat na notice period, wala rin namang karapatan ang employer na ipagkait sa empleyado ang mga sahod na pinagtrabahuhan at kinita na niya. Maari lamang maharap sa reklamo ang employer kung iipitin niya ang final pay ng empleyado.

vuukle comment

APPLE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with