^

Punto Mo

Sintunadong pabida ni Glenn Chong, wa epek!

BAKAS AT ALINGAWNGAW - Kokoy Alano - Pang-masa

PINAGTATAWANAN ang malisyosong satsat ni Atty. Glenn Chong na posible raw nagkaroon ng unawaan ang Smartmatic officials at kampo ni BBM bago mag-eleksyon noong 2022.

Sino ba ang nag-coach?

Nagkaroon daw ng meeting sina First Lady Atty. Liza A. Marcos at Smartmatic officials bago mag-eleksiyon. Hindi isinama si Chong dahil kaaway daw ito ng Smartmatic.

Ano ba ang naging topic?

Naging kakampi ni BBM si Chong sa inihaing election protest laban kay Leni Robredo noong 2016 elections. Hanggang matapos ang termino ni Leni, wala namang nangyari sa protesta dahil nagmistulang “marites” lang ang pinanghawakan ni Chong noon.

Lalo pang lumaki ang lamang ni Leni nang mag-recount. Anyare?

Naging BFF ng First Couple si Chong hanggang manalo si BBM noong 2022 election. Walang election protest na inihain ang kampo ni Leni.

Si Chong ang ngumangakngak gayung hindi naman siya ang natalo. Nanunulsol ang dating?

Bulungan ng mga dagang dingding na baka hindi lang daw na-appoint sa gobyerno ni BBM si Chong. Parang Maharlika rin?

Si First Lady Liza A. Marcos diumano ay tumutulong kung sino ang dapat i-appoint sa gobyerno. Ayaw ba nila na “strong” ang asawa ng “weak president”?

Unahin na lang resolbahin ang krisis sa petrolyo at bigas.

vuukle comment

SMARTMATIC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with