^

Punto Mo

Gorilya na inakalang lalaki, sinorpresa ang mga zookeepers nang manganak ito!

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG gorilya na inakalang lalaki ng mga zookeepers ang saka lamang natuklasan ang tunay nitong kasarian matapos itong manganak sa kanyang kulungan!

Ayon sa statement ng mga zookeepers sa Columbus Zoo sa Ohio, limang taon na nilang inaalagaan ang 8-year-old western lowland gorilla na si Sully at ang buong akala nila ay isa itong lalaki.

Ipinaliwanag ng mga zookeepers na mahirap malaman ang kasarian ng mga batang gorilya. Tatlong taong gulang lamang si Sully noong dinala ito sa kanilang zoo noong 2019 ka­sama ang ina at mga kapatid nito.

Hanggang 8 years old, iisa ang hitsura at mahirap matukoy ang pagkakaiba ng babae sa lalaking gorilya. Hindi katulad ng ibang primate, ang mga batang gorilya ay hindi halata ang sex organs.

Sa kasalukuyan, hindi pa nilalapitan ng mga zookeepers ang bagong panganak na gorilya dahil hinahayaan muna nila itong alagaan ni Sully. Sa susunod na mga araw, saka ito titingnan ng mga beterinaryo para malaman kung malusog ba ito at bigyan ng DNA test upang malaman kung sino ang ama nito.

vuukle comment

ANAK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with