^

Punto Mo

Anak  

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Associated Press

ISANG umagang naghahanda  sa pagpasok sa kanilang trabaho ang mag-asawang Carina at Lindo, malakas na katok mula sa kanilang pintuan ang kanilang narinig. Pagbukas ay si Aling Thelma na ina ni Carina ang bumungad. Sa hitsura ng matanda ay para itong problemado.

“Carina, huwag kang pumasok ngayon.”

“Bakit ho?”

“Napanaginipan ko na binaril ng kung sino ang sinasakyan mong kotse. Tinamaan ka at namatay.”

Nagkatinginan ang mag-asawa. Hindi malaman kung padadala sila o hindi sa panaginip ni Aling Thelma. Malumanay na nagsalita si Carina upang mawala ang pag-aalala ng ina.  “Inay, panaginip lang iyon. At saka sabi mo ay nakasakay ako sa kotse, paano magkakatotoo yun, e, wala naman kaming kotse. Doon na lang sa sasakyan, maling-mali na. Magkakatotoo lang siguro yun kung napanaginipan mong sa jeep ako nakasakay.”

“Nag-alala ako dahil buntis ka pa naman ngayon. Susmaryosep, kapag nagkataon ay…huwag naman sanang magkatotoo, Panginoon ko!”

Maya-maya ay umalis na rin ang matanda na ang bahay ay nasa kabilang kalye lamang. Ang mag-asawa ay tumuloy na sa kanilang opisina. Si Lindo ay accountant sa isang unibersidad samantalang nagtatrabaho si Carina bilang secretary ng Chief Security Officer ng isang mala­king food company. Panganay nila ang ipinagbubuntis ni Carina.

Lumipas ang maghapon at tuluyan nang nakalimutan ni Carina ang panaginip ng kanyang ina. Pagsapit ng 5:00 p.m. ay gumayak na siya sa pag-uwi. Sandali silang nagkwentuhan ng kanyang boss na si Kap kung tawagin sa opisina dahil dati itong kapitan sa Philippine Army. “Sumabay ka na sa akin Carina, ibababa na lang kita sa terminal ng jeep.”

“Sige ho Kap”. Dali-daling inayos ni Carina ang kalat niya sa desk nang maramdaman niyang sumakit ang kanyang tiyan. Parang tumigas ang kanyang tiyan pagkatapos itong sumipa. Kinapa niya ang tiyan at nahipo niya ang tila maliit na paa ng kanyang anak. Totoong sumipa! Ilang saglit ay may kirot na gumuhit sa kanyang tiyan.

“Kap, umuna na po kayo. Sumakit po ang aking tiyan. Dadaan muna ako sa clinic. Clinic ng kompanya na nasa loob lang ng building ang tinutukoy ni Carina. Magpapasundo na lang ako sa aking mister.” Tumango lang si Kap at saka umalis.

Makalipas ang 20 minutes ay nagkagulo sa buong opisina. Inambus daw si Kap. Tinambangan daw ang paglabas ng kotse ni Kap sa labas ng building at saka binaril nang malapitan. May kinalaman sa labor dispute ang barilan. Iniligtas si Carina ng kanyang anak. Muntik nang magkatotoo ang napanaginipan ni Aling Thelma.

vuukle comment

ANAK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with