^

Punto Mo

Presidential ­term-­sharing, ­panaginip lang nang mga ­na­busog at nalasing?

BAKAS AT ALINGAWNGAW - Kokoy Alano - Pang-masa

NAGAGANAP na ang kinatatakutan ng 36 million voters na hindi magtatagal at magkakaroon ng komplikasyon at hidwaan sa loob ng kampo ng BBM-Sara UniTeam dahil sa pansariling ambisyon nang marami sa hanay nila.

Nagsimula ang lahat sa pagkakasibak kay dating Exec. Secretary Atty. Vic Rodriguez at mga pinadrinohan nito at sinundan pa nang maintrigang resignation ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles na ikinadismaya ng mga original BBM loyalists. May “bago silang” puwersa na kasi! Nakupooo!

Maraming opisyales sa sangay ng gobyerno ang presidential appointee pa nang nakaraang administrasyon. Na-extend lang ang serbisyo kahit co-terminus ang status nila. Grupo ba nila ang sumisigaw ng “term-sharing” nina BBM at Sara? Mga ayaw bumitaw sa kusina dahil sa sobrang busog at kalasingan!

Karamihan diumano nang nakikinabang sa katas ng gobyerno ngayon ay nasa anino ng NP-Lakas CMD party at naibabawan nang husto ang Hugpong, PDP at Partido Federal. Kaya pala nakabuka ang hasang nina Petsay de Salceda. Chos!

Pinauusok na pilit ng mga bangaw sa partidong Lakas-CMD ang mga negatibong isyu sa mga naitalagang opisyales sa masasabaw na departamento tulad ng Department of Finance na sumasakop sa Bureau of Customs at BIR. Ang totoo, pansariling intensyon din lang naman talaga ang dahilan. Fund raising ce­remony na ba ng partidong hinirang para sa 2028? Halata naman!

DILG Sec. Benhur Abalos Jr. is now the boldest official of BBM administration. Naalaala ko tuloy ang istorya ni Ben-Hur na bunga lang ng imahinasyon sa panahon ng mga Hudyo at ang Abalos na ang ibig sabihin ay “place of the bold”. Hinihinog nga ba siya ng Lakas-CMD sa 2028 o ibinabala lang sa kanyon? Nagtatanong lang po!

vuukle comment

SARA DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with