^

Punto Mo

Condo owners binalaan sa aktibidad ng mga dayuhang ­tenants

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

NAGAGAMIT daw ang ilang condo sa Metro Manila sa cryptocurrency scam operations.

Kaya nga umapela na ang Bureau of Immigration (BI) sa mga may-ari, operators at administrators ng mga condominium buildings na  iulat sa kanila ang mga kahina-hinala o mga iligal na aktibidades ng mga dayuhan nilang tenants.
Ito kasi ang nabunyag sa isinagawang   pagdinig sa Senado na ilang mga condo units sa Metro Manila ginagawang kuta ng  mga cryptocurrency scam syndicates.

Nahihirapan umano ang BI, maging ang mga awtoridad na pasukin ang mga ito, dahil nga sa residential areas, na hindi tulad ng mga opisina ng mga kompanya.

Hinikayat ni BI commissioner Norman Tansingco ang mga condo owners na tulungan sila para masawata ang trafficking sa bansa, sa pamamagitan na iulat sa kanila ang mga ilegal na aktibidades sa kanilang mga lugar.

Isang Indonesian national kasi ang nagbulgar patungkol dito na matapos niyang dumating sa bansa dinala siya sa isang condo sa Pasig City. Doon umano niya nakita ang marami pang bilang ng mga dayuhan, kung saan inatasan silang hikayatin ang kanilang mga kababayan na mag-invest sa cryptocurrencies. 

Nakakatakot ang ganito lalo na dun sa mga condo unit owners na ipinauupa ang kanilang mga pag-aari lalu na sa mga dayuhan.

May babala  nga ang BI sa mga condo  owners na mabibigong iulat ang aktibidad ng mga dayuhan sa kanilang mga pag-aari na ito ay maaaring ituring na ‘harboring illegal aliens’ sa ilalim ng Philippine Immigration Act of 1940 kapag nadiskubre na kinukunsinti ang operasyon. 

Dapat din sigurong maging maingat sa pagpapaupa lalu na sa mga condo unit owners, na dahil sa maayos naman ang naibabayad sa kanila, wala nang pakialam kahit anong gawin ng kanilang mga tenants.

Huli na nang malalaman nila na  nagamit ang kanyang ari-arian sa ilegal na aktibidades.

Yan ang dapat na mabantayan, baka sa huli pati kayo ay madamay.

 

vuukle comment

SCAM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with