^

Punto Mo

Mabenta ang shabu at pastillas ni Hudas!

BAKAS AT ALINGAWNGAW - Kokoy Alano - Pang-masa

NAKAKUMPISKA ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Baguio City ng 575 kilos ng shabu na nagkakahalaga ng P4  billion. PDEA Director Gen. Moro Virgilio Lazo, pakitimbang ulit. Baka kulang. Tenkyu po!

Nakakumpiska rin sa Maynila kamakailan ng shabu na nagkakahalaga ng P6.7 billion. Inimbestigahan ito sa Senado dahil kinaltasan ng 30% ang nakumpiskang shabu.

Nararapat bigyan ng sertipiko ng karangalan ang mga matatapat na law enforcers dahil buwis buhay ang kanilang ginagawa. Kung hindi mabigyan ng promotion, kahit cash incentive bonus ay bigyan sila.

Natimbog naman ng NBI sa Clark International Airport ang dalawang Immigration Officers na kakutsaba ng sindikato ng human trafficking. Tourist visa ang dala ng mga kliyente ng BID. Kita sa CCTV na wala nang tanung-tanong na tinatatakan ni “pastillas beauty” ang passports ng mga ito. Magkano po?

Ayon sa NBI, sa Cambodia ang tungo ng mga “turistang hudas” para magtrabaho sa sindikato bilang scammer sa crypto currency investors. Lutang na lutang ang mga “Hudas” sa panahon ng Semana Santa.

Kumanta ang mga biktima na binigyan sila ng tip ng recruiter kung sinong immigration officer ang lalapitan nila. Bigla raw tatayo mula sa pagkakaupo at uupo ulit kapag kaharap na sila.

Alam kaya ng mga taga-BID na panahon ng mga Hudas ngayon?

BI Commissioner Ricardo David, patayuin mo na sila at sibakin bago ka pa nila Hudasin!

vuukle comment

PDEA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with