^

Punto Mo

Wheelchair (138)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

ISANG batang lalaki na sa tantiya ni Jong ay 9-na taong gulang ang papalapit sa kanya. Parang sa kilos ng bata, may hinahanap ito at sa kanya nakatingin. Naisip ni Jong na baka siya nga ang hinahanap ng bata.

Si Jong na ang nagtanong sa bata.

“May hinahanap ka ba Boy?’’

“Ikaw po ba ang may-ari ng wheelchair?’’

Sa binanggit na wheelchair, nagkaroon ng sigla si Jong.

“Ako nga Boy! Ako ang may-ari ng wheelchair! Nasaan ang wheelchair? Nasaan ang matanda na pinag-iwanan ko sa wheelchair?’’

“Si Lolo Ado po?’’

“Ado ba ang pangalan niya?’’

“Opo. Diyan po kami dati nakatira sa barungbarong na yan. Pero dinimolis na po dahil tatayuan ng condo.’’

“Saan kayo nakatira ­ngayon?’’

“Sa may riles po—barungbarong din.’’

“Puwede mo akong Samahan dun? Ano nga pala ang pangalan mo?’’

“Enod po!’’

“Ako naman si Jong, Enod.’’

“Ah ikaw nga po ang sinasabi ni Lolo Ado. Kaya po ako nagpupunta rito araw-araw ay para magbantay sa iyo. Kasi sabi ni Lolo Ado ay baka bumalik ka para kunin ang wheelchair.’’

“Oo nga Enod. Kaya nga ako narito ay para kunin na ang wheelchair. Samahan mo ako sa inyo para makita ko na rin si Lolo Ado. Di ba namamasura siya? Nang iwanan ko ang wheelchair ay namumulot siya ng basura nun.’’

Hindi sumagot si Enod.

Niyaya na niya ito sa tirahan sa may riles.

“Kailan kayo lumipat sa may riles, Enod?’’

“Mga dalawang linggo na po, Kuya Jong.’’

“Okey naman sa riles?’’

“Okey naman po. Pero…’’

“Pero ano?’’

“Baka paalisin po uli kami roon.’’

“Bakit?’’

“May itatayo raw pong Skyway. Problema kung saan kami lilipat ni Lolo Ado.’’

“Sana naman ay hindi kayo paalisin agad-agad.’’

“Sana nga Kuya Jong. Naaawa ako kay Lolo Ado.’’

Nagpatuloy sila sa pag­lalakad patungo sa riles.

(Itutuloy)

vuukle comment

TRUE CONFESSION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with