^

Punto Mo

Bawas-pasahe: Gud news yan!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Habang may giit ang ilang transport group ang pagtaas ng pasahe dahil nga sa walang humpay na pagtaas sa presyo ng bilihin at petrolyo, may rekomendasyon naman ang Department of Transportation (DOTr) na bawasan naman ang pasahe sa mga pampublikong sasakyan.

Kung matutugunan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang rekomendasyon para sa mga jeepneys, bus at UV Express ito ang siyang magiging kapalit sa inihintong libreng sakay sa EDSA Bus Carousel.

Nakapaloob pa nga sa rekomendasyon na fare discounts ng DOTr na ang pagbaba sa pasahe ay dapat katulad noong pre-pandemic.

Aba’y kung maisasakatuparan ito malaking tulong ito sa riding public.

Kung mangyayari mangangahulugan na ang minimum fare para sa mga tradisyunal na jeepneys ay babalik sa P9 mula sa kasalukuyang P12, habang P11 naman sa modern jeepneys, mula sa kasalukuyang P14.

Sa mga bus naman ay maaaring umabot ng hanggang P4, habang pinag-aaralan pa umano ang posibleng maging discount sa pasahe sa mga UV Express.

Pansamantala lang umano ang discounted fares hanggang sa maubos ang P2 bilyong laang pondo para sa service contracting program ng LTFRB sa taong ito.

Positibo naman ang pananaw at pagtanggap dito ng mga mananakay, kasabay nang pagsasabing nabibigyan ng kaukulang pansin ang riding public sa kasalukuyan.

Sana nga ay magtuluy-tuloy ang ganitong mga programa na bagamat pansamantala eh malaking tulong ito sa publiko.

Ang posibleng maging problema naman dito eh baka umaray naman ang mga drivers at operators ng PUVs.

Siyempre tatamaan at tatamaan sila sa rekomendasyong ito, lalu pa nga at walang katiyakin ang taas-baba na mas madalas at malaki ang pagtaas kaysa sa pagbaba sa presyo ng petrolyo.

Malamang -lamang may hirit din ang mga yan. Antabayan natin yan!

vuukle comment

DOTR

LTFRB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with