^

Punto Mo

Kapangyarihan ng mabuting halimbawa

USAP TAYO - Pastor Joey Umali - Pang-masa

MAGBAYAD ng tamang buwis sa tamang oras. Panawagan ito kamakailan ni President Ferdinand Marcos, Jr. sa samba­yanang Pilipino. Timing ang panawagan dahil panahon ngayon ng pagbabayad ng buwis, ang dugong nagbibigay-buhay sa alinmang bansa. Ang ganitong panawagan ay tungkulin ng sinumang presidente ng anumang bansa.

Bilang karaniwang mamamayan at taxpayer, may hinihintay akong sasabihin ni Presidente Marcos, Jr. na kung gagawin niya ay tiyak na magbubunga nang “paglaki” kundi man “pag-apaw” ng kabang-yaman ng Pilipinas dahil sa lilikhain nitong inspirasyon mula sa isang mabuting halimbawa. Ito’y kung sasabihin niya, at totohanang gagawin, na babayaran na nila ang “estate tax” o buwis mula sa kayamanan at ari-ariang naiwan ng kanyang yumaong ama.

Noong 1997, ipinag-utos ng Korte Suprema sa mga Marcoses na bayaran ang P23 bilyong estate tax. Si Marcos, Jr. ang administrator ng naiwang yaman ng ama na diumano’y umaabot sa $10 bilyon. Noong 1999, naging final and executory ang utos ng Korte. Ibig sabihin, hindi na puwedeng maghabol at kailangan nang ipatupad.

Taong 1993 pa ginawa ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang pagtasa sa babayarang buwis ng mga Marcoses. Sapagkat halos tatlong dekada na ang lumipas at wala pang ginagawang pagbabayad, lumobo na ang halaga sa P203 bilyon dahil sa taun-taong pagpapataw ng multa. Kahit na hindi na muna P203 bilyon ang bayaran dahil pwede pang pagdibatihan kung paano umabot sa ganitong halaga, kahit na ‘yon na lamang P23 bilyon sapagkat ito ay final and executory na, napakalaki ng lilikhain nitong inspirasyon sa puso ng mga mamamayang Pilipino.

Nakikinikinita ko na mula sa pinakamalaki hanggang sa pinakamaliit na taxpayer ay talagang magbabayad ng tamang buwis sa tamang oras.  Hindi na kailangang gumawa ng BIR ng kung anu-anong pakulo at gimik, sapat na ang gagawing ito ni Marcos, Jr. upang mag-una-unahan ang mga Pilipino sa pagbabayad ng tamang buwis.

Ito ang tinatawag na leading by example, ang pamumuno sa pamamagitan ng gawa, sa halip na salita, na ang intensyon ay himukin ang iba na tularan ang mabuting halimbawa. Ito’y ang pagsasabuhay ng anumang sinasabi o walking the talk. Hindi pwedeng sabihin ng isang lider sa kanyang mga tagasunod na, “Sundin ninyo ang aking sinasabi, pero huwag ninyong tularan ang aking ginagawa.” Ang pamumuno sa pamamagitan ng mabuting halimbawa ay umaani ng tiwala at respeto ng mga tagasunod. May kapangyarihan ang mabuting halimbawa.

Ang isang halimbawa ng modelong lider ay si Hesus. Hindi Niya ipag-uutos sa Kanyang mga tagasunod na gawin ang isang bagay na hindi Niya handang gawin. Ang Kanyang mabuting halimbawa ang pinarisan ng mga sumunod na lider na katulad ni Pablo na nagsabi ng ganito sa 1 Corinto 11:1, “Tularan ninyo ako, gaya ng pagtulad ko kay Hesus.”

Nangangailangan tayo ng mga lider na may tapang at lakas ng loob na magsabing, “Tularan ninyo ang mabuti kong halimbawa.”  Mababago lamang ang Pilipinas tungo sa tunay na pag-unlad kung ang ating mga lider sa Ehekutibo, Lehislatura at Hudikatura, at maging sa negosyo at simbahan ay mamumuno sa pamamagitan ng mabuting halimbawa. Ito lamang ang paraan upang tayo’y bumangon mula sa panlalait na, “The Sick Man of Asia,” tungo sa pagiging isang dakila’t malusog na bansa.

vuukle comment

TAX

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with