^

Punto Mo

Kapag kalikasan ang kinalaban

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

NOONG late 60’s ay may isang magaling na babaing mayor sa isang bayan sa Kabisayaan. Nakasanayan ng mga tao na tawagin siyang Madam Mayora. Ang dating tutulug-tulog na bayan ay naging sentro ng pangangalakal sa buong probinsiya. Maraming negosyo ang itinayo sa nasabing bayan. Upang lalong mapalakas ang komersiyo sa kanilang bayan, naisipan niyang magpagawa ng konkretong tulay na puwedeng daanan ng sasakyang panlupa upang hindi na kailangang magbangka ang mga tao para makarating sa mga katabi nilang bayan.

Ginamit ni Madam Mayora ang kanyang charm at koneksiyon upang maisakatuparan ang kanyang Big Dream Project. Sa isip niya, kung makakapagpatayo siya ng ganoong klaseng tulay, malayo ang mararating niya sa pulitika. Sisikat siya! Sa unang araw ng construction, sari-saring problema ang naglabasan. Sa tatlong kontratista na kinuha, ang dalawa ay umurong dahil may hindi sila napagkasunduan. Muntik pang magkasuntukan ang mga ito kung hindi lang may isang malamig ang ulo na umawat. Pansamantalang itinigil ang hindi pa nasisimulang construction para plantsahin ng ilang araw ang gusot ng tatlong kontratista. Isang matandang kamag-anak ni Mayora ang nagpayo:

“Sa ibang bansa, dinidiligan nila ng dugo ng tao ang lugar na pagtatayuan ng tulay upang matanggal ang malas. Iyon bang para maalis ang mga hadlang kagaya ng away na nangyayari ngayon sa mga kontratista. Ito rin ay nagpapatibay ng tulay.”

Nasapo ni Mayora ang dibdib sa narinig. “Susmaryosep! Ibig ninyong sabihin ay papatay tayo ng tao para lang matanggal ang malas? E, kung tayo kaya ang malasin?”

“Ikinukuwento ko lang pero hindi ko sinasabing pumatay din tayo ng tao. Hayop ang ating isakripisyo. Sa anupaman paraan, pilitin mong maitayo ang tulay sa ilalim ng iyong administrasyon. Next year na ang eleksiyon, kaya kailangan tayong kumilos ng maaga. Lalong babango ang iyong pangalan sa mga botante kapag natapos ang tulay bago mag-eleksiyon.”

Sa gubat nanghanting ng hayop na isasakripisyo. Sa unang araw ng paghahanting ay kasama pa si Mayora at mister nito. Mga limang araw silang nanghanting para makarami ng hayop na pagkukunan ng dugo. Sa buong pagtataka ni Mayora, simula nang buhusan ng dugo ang magiging pundasyon ng tulay, biglang nagkasundo-sundo ang tatlong kontratista. Nagtuloy-tuloy ang construction ng tulay hanggang sa matapos nang walang aberya. Last term na iyon ni Mayora kaya pagsapit ng eleksiyon ay tumakbo siya sa pagka-kongresista. Kagaya ng dapat asahan, nanalo siya  sa kanilang distrito.

Isang buwan pagkaraan ng eleksiyon, napansin ni Madam na lagi siyang nangangati. Lumipas ang mga araw, nagsimulang tubuan siya ng makapal na balahibo sa parte ng kanyang katawan na hindi naman dati tinutubuan kagaya ng braso, leeg at nang magtagal ay buong katawan na ang tinutubuan. Halos mabaliw si Madam  kaya ipinatawag niya ang pinakamagaling na psychic/albularyo sa kanilang bayan.

Ayon sa pagtatawas na ginawa, nagalit ang espiritu ng kalikasan sa ginawa nilang pagpatay sa mga hayop. Ang pagtubo ng balahibo kay Madam ay parusa sa kalaspastangan ginawa nito sa mga hayop. Matagal din bago siya gumaling. Simula noon, umalis na siya sa pulitika at inilaan na lang ang kanyang buhay sa mga proyektong may kinalaman sa pag-aalaga ng kalikasan at mga hayop sa kagubatan.

 

vuukle comment

NATURE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with