^

Punto Mo

Batuhan ng akusasyon sa pagpatay kay Percy Lapid

BAKAS AT ALINGAWNGAW - Kokoy Alano - Pang-masa

NAGBABATUHAN ng akusasyon ang supporters ng gobyerno at maka-kaliwang grupo kung sino ang may pa­kana sa pagpaslang sa radio broadcaster na si Percy Lapid. Isyu ng “carera de propaganda” ang pangunahing dahilan nito.

Kinondena ng mga maka-kaliwang grupo ang administrasyon ni Marcos Jr., sa pagkakapaslang kay Lapid at iniuugnay sa anino ng admi­nistrasyon ni Marcos Sr. Parang sintunado naman talaga ang ganitong propaganda. Wala pa namang kasing maibabatong mabigat na isyu kay Marcos Jr., maliban sa karambola ng mga appointees nito. Mababaw nga naman!

Sa live broadcast naman ni Pastor Apollo Quibuloy, sinabi nito na malamang na ang maka-kaliwang grupo ang may pakana sa pagpaslang kay Lapid upang magamit nilang propaganda sa pagbatikos sa administrasyon ni Marcos Jr. Lumalabnaw na diumano ang simpatiya ng mamamayan sa kanila. May punto rin naman si Quibuloy, pero kumporme na ito sa simpatiya ng publiko di ba?

Hindi madali para sa PNP na matukoy kung “sino at ano” talaga ang dahilan kung bakit pinaslang si Lapid. Sa mga nakaraang “hard hitting broadcast ” ni Lapid, walang takot kung tumbukin nito ang mga personahe na may kinalaman sa sindikato ng droga, illegal gambling operations, smugglers, political animals at corrupt ­government officials ng nakaraang administrasyon. Malawak talaga ang “case build up” space na hahalukayin ng mga imbestigador, kaya huwag mainip!

Malalaman natin ang galing ng mga tauhan ni PNP chief Gen. Rodolfo Azurin sa paglutas sa kasong ito. Kung mahuhuli ang mga salarin, madali nang malaman kung sino ang mastermind sa krimen. Sana, walang madamay na inosente sa paglutas ng kaso. Pabayaan munang maayos na makadiskarte ang mga imbestigador para walang ligwak. Ayos ba vloggers?

vuukle comment

PERCY LAPID

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with