^

Punto Mo

Mga kaalaman tungkol sa pagpapakasal (Part 4)

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

Sa Ireland, itinatali nila ang inahing manok na malapit nang mangitlog sa higaan ng mga bagong kasal bilang simbolo ng fertility.

Sa Korea, manghihingi ang groom sa kanyang kaibigang happily married ng inukit sa kahoy o figurine na magka-partner na pato. Panghabambuhay ang pagsasama ng mag-asawang pato.

Ang Oriental wedding dresses ay nilalagyan ng burda na cranes na simbolo ng katapatan habang buhay.

Sa Japanese wedding, nagdidispley sila ng 1001 white paper origami cranes dahil naniniwala sila na ito ay simbolo ng magandang kapalaran.

Sa Egypt, kinukurot ng mga babaing guests ang bride dahil naniniwala sila na magdadala ito sa kanila ng magandang kapalaran.

Sa present day Saudi Arabia, Iran at Pakistan, ang babaing nawala ang virginity bago siya ikasal ay pinarurusahan o pinapatay kasama ang kanyang boyfriend ng mga kapamilyang lalaki ng babae.

Sa mga tribu na matatagpuan sa central Asia, kailangang ma-devirginize muna ang bride ng kanyang lolo na ama ng kanyang ina. Kung ayaw o patay na si Lolo, pinsan sa partido ng ina ang gagawa ng task na iyon.

Sa mga Eskimos, dinadala ng mga kamag-anak ang bride sa pari upang ito ang mag-devirginize. Ang tawag sa ganitong gawain ay “divine unflowering”.

Sa ibang Muslim countries at sa ibang bahagi ng Greece, dapat na ipakita ng groom ang kumot na ginamit sa honeymoon na may dugo, kinabukasan ng umaga pagkatapos ng kasalan. Ang mga kaanak ng bagong kasal ay naghihintay sa labas ng bahay para patunayang virgin pa ang bride at ang groom ay malakas ang pagkalalaki. (Itutuloy)

vuukle comment

MARRIAGE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with