^

Punto Mo

Ginger (94)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

HABANG nag-eempake ng damit sa isang mala­king traveling bag, pinaplano na ni Anton ang mga gaga­wing paghahanap sa matandang albularyo na may nalalaman para kontrahin ang kulam.

Sabi sa kanya ni Marie, nasa liblib na lugar daw sa Mindoro ang matandang lalaki na nagngangalang Tandang Nado. Baka raw malapit nang mag-90-anyos si Tandang Nado.

Sinabi rin ni Marie kung paano pupunta sa Mindoro. Sasakay ng bus patungong Batangas pier at saka sasakay ng barko o ro-ro patungong Calapan City. Mula Calapan ay sasakay ng van na biyaheng Pinamalayan. Bababa siya sa bayan ng Socorro. Pagsapit ng Socorro ay sasakay naman siya ng traysikel patungo sa tirahan ni Tandang Nado sa Bgy. Daan. Ipagtanong na lamang daw sa Bgy. Daan ang bahay ni Tandang Nado. Kilala raw ang matanda sa barangay.

Ang isang ikinatakot ni Anton ay ang huling sinabi ni Marie na hindi basta-basta nakakapasok sa Bgy. Daan ang bagong salta, Marami raw kakatwang nangyayari bago makapasok sa barangay.

Pero sabi niya kay Marie, nakahanda siya. Lahat ay haharapin niya gumaling lamang si Ginger. Hindi siya babalik hangga’t hindi nakukuha ang orasyon na makakapagpagaling kay Ginger.

Tinapos ni Anton ang pag-eempake ng damit. Tiniyak na wala na siyang nakakalimutan.

Nang mag-alas kuwatro ng umaga, umalis na siya.

Madali siyang nakasakay sa bus patungong Batangas. Pagdating sa Batangas, nakasakay agad siya sa ro-ro. Wala pang alas dose ay nasa Calapan na siya. Sumakay siya ng van patungong Pinamalayan at nagpababa sa Socorro. Eksaktong alas dos ng hapon ay nasa Socorro siya.

Naghanap siya ng masasakyang traysikel patungo sa Bgy. Daan. Isang traysikel ang nakita niya. Tinawag niya.

‘‘Magkano hanggang Bgy. Daan?’’

Umiling ang drayber.

“Hindi po ako naghahatid dun.’’

“Bakit?’’

Umiling lang ang drayber.

Naghanap si Anton ng iba pang traysikel.

Nakita niya ang traysikel sa dako roon. Siya na ang lumapit. (Itutuloy)

vuukle comment

TRUE CONFESSION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with