^

Punto Mo

EDITORYAL - Huwag gamitin ang Dengvaxia

Pang-masa
EDITORYAL - Huwag gamitin ang Dengvaxia

TUMATAAS ang bilang ng mga nagkaka-dengue. Ayon sa Department of Health (DOH), mula Enero 1 hanggang Hunyo 25, 2022, nakapagtala na ng 64,797 kaso sa buong bansa. Ninety percent na mas mataas kaysa noong nakaraang taon sa parehong buwan at petsa.

Ang pagtaas ng kaso ng dengue ang dahilan para isulong ni infectious disease expert Dr. Rontgene Solante ang paggamit ng Dengvaxia vaccine. Ang Dengvaxia umano ang ginagamit sa Thailand, Malaysia, Indonesia at Singapore para maproteksiyunan ang mamamayan laban sa dengue. Panahon na aniya para gamitin ito sa Pilipinas dahil sa pagtaas ng dengue cases. Dapat umanong rebyuhin ang data ng Dengvaxia at ang benepisyo nito. Ang mahalaga umano ay ang tamang rekomendasyon at pagdetermina sa indication kung kailan gagamitin ang Dengvaxia. Mahalaga rin aniya kung anong edad o grupo ibibigay ang bakuna. Niliwanag naman ni Solante na suspendido ang paggamit ng Dengvaxia sa Pilipinas.

Ang tanong ay kung pagtitiwalaan pa ng mamamayan ang Dengvaxia. Mayroon pa kayang mga magulang na papayagan ang kanilang mga anak na maturukan ng Dengvaxia? Malaking kontrobersiya ang idinulot ng bakunang ito noong Abril 2016 makaraang maturukan ang humigit-kumulang 700 mag-aaral sa  National Capital Region (NCR), Calabarzon at Central Luzon. Ayon sa mga eksperto, maraming bata ang nagkakumplikasyon at may namatay makaraang bakunahan. Agad ipinatigil ng gobyerno ni President Noynoy Aquino ang vaccination at nagkaroon ng imbestigasyon.

Noong 2017, sinabi ng Sanofi Pasteur, manufacturer ng Dengvaxia, na ang dapat mabakunahan lamang ay ang mga nagka-dengue na. Magkakaroon umano ng kumplikasyon kapag nabakunahan ang isang hindi pa nagkaka-dengue.

Ang nakapagtataka ay kung bakit hindi agad ito ipinaalam ng manufacturer ng Dengvaxia bago isinagawa ang vaccination program at pinayagan naman ng mga pinuno ng Department of Health (DOH) noon. Ayon sa report, pinapila ang mga bata at saka tinurukan na hindi na nagkaroon ng interbyu. Hindi rin umano alam ng mga magulang ng mga bata ang ginawang pagbabakuna.

Maraming nawalan ng tiwala sa bakuna dahil sa kontrobersiya ng Dengvaxia. Pati pagpapabakuna laban sa COVID, kinatakutan. Ngayon ay gustong ibalik ang Dengvaxia. Hindi na. Maghanap ng ibang bakuna at huwag Dengvaxia.

vuukle comment

DENGVAXIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with