^

Punto Mo

CPP/NPA nagbanta ng kaguluhan sa inagurasyon ni BBM!

DIPUGA - Non Alquitran - Pang-masa

KUMALAT sa social media nitong Linggo ang plano ng mga kapatid nating nasa CPP/NPA/NDF na magsasagawa sila ng nationwide na kaguluhan kasabay sa oath-taking ni incoming President Bongbong Marcos sa Hunyo 30. Isasagawa ng mga komunista ang kanilang kilos-protesta at mass actions sa key regional urban centers tulad ng National Capital Region, Central Luzon, Calabarzon, Baguio City, Naga City, Iloilo City, at Cebu City.

Magkakaroon din ng mobilization sa Kampuhang Bayan sa paligid ng Department of Agrarian Reform Central Office sa Quezon City ilang araw bago ang inauguration ni BBM. Wala man o may rally permit, magsasagawa ang mga kapatid nating komunista ng pocket protests at picket rallies kung saan pilitin nilang magkaroon ng mainitang kumprontasyon laban sa mga pulis.

Sa sitwasyon na ito, magkaroon sila ng maximum media coverage para isulong ang kanilang political call bilang warning sa sambayanang Pilipino na ang gobyerno ni BBM at wala ding pinagkaiba sa liderato ng kanyang amang diktador na si ex-Pres. Ferdinand Marcos Sr. Dipugaaaaa! Hak hak hak!

Nagkamali ng taya itong mga kapatid nating komunista noong nakaraang May elections at hindi nila matanggap na talunan sila. Mismooooo!

Tinawanan lang ni Interior Sec. Eduardo Año ang kaguluhang plano ng mga kapatid nating komunista, sabay sabing handa na ang liderato ng AFP at PNP para sa seguridad ng inauguration ni BBM sa National Museum sa Manila. Ayon kay Manila Police District (MPD) director Brig. Gen. Leo «Paco» Francisco, deputy chief ng security sa BBM event, handa sila sa lahat ng kaguluhan na ipapatupad ng CPP/NPA/NDF.

«We will provide all the necessary security ang safety operations to ensure the successful conduct of the said occassion,» ani NCRPO director Maj. Gen. Felipe «Pipoy» Natividad, ang chief security ng BBM inauguration. Kaya’t hindi dapat mangamba ang kampo ni BBM at mga supporters nila, dahil kumpleto-rekado ang idedeploy na security nina Gen’s. Natividad at Francisco, kasama ang Presidential Security Group. Mismooooo! Hak hak hak! Magpapakitang gilas itong sina Gen’s. Natividad at Francisco at baka mapremyuhan sila. Dipugaaaaa!

Ibinulgar sa plano na ang mga main participants ng mga protesta ng komunista ay manggagaling sa Baseco, Parola at Tondo sa Maynila; Payatas; Bagong Silangan; Montalban, RIzal; UP delegation, PUP delegation; Hacienda Tinang at Central Luzon farmers na pangungunahan ng KMP, UMA, at AMGL. May pocket prorests din sa Calamba area sa Laguna; Dasmariñas-Silang area sa Cavite; Bulacan; Pampanga; Tarlac at Nueva Ecija. Dipugaaaaa! Hak hak hak! Kung nitong nakaraang election kokonti ang sumama dito sa kampo ng kapatid nating komunista, dito kaya sa kaguluhan may ma-recruit sila? Mismooooo!

Ang isisigaw na isyu ng mga komunista ay ang lumulubhang kahirapan, at kagutuman na lalong lalala sa pagpasok ng administrasyon ni BBM, na walang pinagkaiba sa tatay n’ya. Sana iwasan na ng CPP/NPA/NDF ang banta nilang ambushcades dahil ang tatamaan ay kapwa rin nating Pinoy. Abangan!

vuukle comment

NPA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with