^

Punto Mo

EDITORYAL - Suporta sa mga magsasaka

Pang-masa

SI President-elect Bongbong Marcos ang magiging Agriculture secretary pansamantala. Ayon sa kanya, tututukan niya ang departamento upang makamit ang minimithing food security. Kailangan umanong mareorganisa. Malubha umano ang problema sa departamento.

Ang pag-upo ni BBM sa DA ay eksakto sa nakaambang krisis sa pagkain hindi lamang sa Pilipinas kundi sa buong mundo. Nagbabala na ang World Bank, World Trade Organization, Food and Agricultural Organization of the United Nations at World Food Program ukol sa kakaharaping food crisis. Dulot ito ng nanalasang pandemya at ang nangyayaring kaguluhan sa Ukraine makaraang salakayin ng Russia noong Pebrero. Mas apektado ng food crisis ang maliliit at mahihirap na bansa gaya ng Pilipinas. Karaniwang ang mga mahihirap na bansa ay umaangkat ng kanilang mga pangunahing pangangailangan. Hindi mabubuhay ang mga maliliit na bansa kung hindi aangkat lalo ng pagkain.

Ang Pilipinas ay nakadepende na sa pag-angkat ng mga pangunahing produkto gaya ng bigas, asukal, isda, karne at pati mga gulay. Nakasanayan na ang ganitong praktis. Ilang presidente na ng bansa ang nagdaan subalit hindi na nagkaroon ng pagsisikap na palakasin ang ani para hindi na nakadepende sa pag-angkat. Dahil nasanay na sa ganitong angkat nang angkat, ang sariling produkto ay napapabayaan. Sa halip na ang pagbuhusan ng pansin ay kung paano mapaparami ang ani, ang pinagsusunugan ng kilay ay kung paano makakaangkat.

Hindi naman masama ang umangkat sapagkat may panahong nagkukulang ang suplay pero ang taun-taon na pag-importa—lalo ang bigas at isda ay hindi na nakakatuwa. Naturingang agrikultural na bansa ang Pilipinas pero kung umangkat ng bigas ay tone-tonelada. Nakakahiya na napakalawak ng taniman ng palay pero ang nakahain sa hapag ay kanin na prodyus ng mga magsasakang Chinese, Vietnamese at Thais. Kung tutuusin, mas malawak ang taniman ng palay ng Pilipinas kumpara sa Vietnam at Thailand pero sila ang nagpoprodyus ng masarap na kanin na nakahain sa hapag ng mga Pilipino. Kakahiya!

Malawak ang karagatan ng Pilipinas subalit pati galunggong, inaangkat. Hindi na nakapagtataka kung darating ang panahon na pati ang asin ay iimportahin na rin. Huwag naman sana dahil lalong kahiya-hiya.

Makakamit ang minimithing dami ng ani kung susuportahan ang mga magsasaka. Ito rin ang paraan para hindi na umangkat. Itodo ang tulong para mapaunlad ang sariling agrikultura at produktong Pilipino ang nakahain sa hapag.

 

vuukle comment

BONGBONG MARCOS

FARMER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with