^

Punto Mo

EDITORYAL - Unahin, mga­corrupt sa Bureau of Immigration

Pang-masa
EDITORYAL - Unahin, mga­corrupt sa Bureau of Immigration

SABI ni president-elect Ferdinand Marcos Jr., hindi kukunsintihin ng kanyang administrasyon ang anumang korapsiyon sa pamahalaan. Partikular niyang tinukoy ang Bureau of Customs at Bureau of Internal Revenue. Hindi umano niya papayagan ang katiwalian at hahabulin ang mga opisyal na masasangkot.

Mabuti at hanggang maaga ay nagbabala na si Marcos sa mga tiwali. Ito ang hinahangad ng mamamayan—ang malipol ang mga tiwali sa pamahalaan.

Isa pa sa mga tanggapan ng pamahalaan na dapat tutukan ni Marcos ay ang Bureau of Immigration (BI). Pugad ng mga matatakaw na ‘‘buwaya’’ ang BI. Pinakamaraming buwaya sa Immigration sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA). Karamihan sa mga BI officials sa NAIA ay pinagkakaperahan ang mga dayuhan (partikular ang mga Chinese at South Koreans) na nais makapasok sa bansa. Kahit na kaduda-duda ang dokumento ng mga dayuhan, pinapapasok kapalit nang malaking halaga.

Hindi malilimutan ang ‘‘pastillas scam’’ sa NAIA na pinauso ng mga corrupt BI officials doon. Sa nabulgar na ‘‘pastillas’’ sa pamamagitan ni Sen. Risa Hontiveros, na inimbestigahan sa Senado, P40 bilyon ang naibubulsa ng mga korap sa Immigration dahil sa visa-upon-arrival (VUA) policy na ipinatutupad sa mga dayuhang pumapasok sa bansa mula 2017. Sa ‘‘pastillas’’ scheme, lahat nang Chinese nationals na hindi nag-avail ng visa upon arrival (VUA) system ay magbabayad ng P10,000 sa Immigration para makapasok nang walang aberya sa bansa. Tinawag na “pastillas” ang modus ng mga corrupt na BI officials dahil ang perang ipinangsusuhol sa kanila ay binibilot na hawig sa matamis na “pastillas.

May mga corrupt na BI officals na sinibak si President Duterte pero hindi masyadong umepekto sapagkat patuloy pa rin ang katiwalian sa nasabing tanggapan.

Ngayong nagbabala na si Marcos sa mga corrupt sa pamahalaan, nararapat naman niyang lagyan nang mahusay na pinuno ang BI. Piliin niya ay taong may kakayahang supilin ang mga korap sa tanggapang pamumunuan. Kapag hindi nakapili si Marcos ng tamang pinuno sa BI, habampanahon nang magiging pugad ng buwaya ang tanggapang ito.

 

vuukle comment

BUREAU OF INTERNAL REVENUE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with