^

Punto Mo

Ginger (19)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

PERO hindi pa rin maalala ni Anton ang sasabihin kay Ginger kahit sa pagpasok niya kinabukasan. Talagang blanko ang isip niya at ni katiting ay wala siyang maalala. Naghinala tuloy siya na baka panaginip lamang iyon. Baka sa panaginip lamang niya naisip.

Pagpasok niya ay naroon na si Ginger at nagtatrabaho. Hindi na sana niya sasabihin kay Ginger ang tungkol dun pero ito ang nagtanong.

“Naalala mo na Sir ang sasabihin mo sa akin?’’

‘‘Ha? A e hindi—hindi ko maalala.’’

“Kasi Sir baka nga tungkol sa pagkakamali ko—kasi nirerebyu ko ang ginawa kong report nung isang araw, may mali ako sa grammar. Baka iyon ang napansin mo at ‘yun ang sasabihin mo sa akin pero ayaw mo lang akong ipahiya.’’

“Naku hindi ‘yun. Hindi ako particular sa maling grammar o spelling. Wala namang perpekto pagdating sa ganyan—kahit summa cum laude  e nagkakamali rin. Hindi ‘yun.’’

“Talaga Sir?’’

“Oo. At saka huwag mo nang problemahin ‘yun. Naisip ko kasi, na baka nanaginip lang ako. Huwag mo nang isipin pa ‘yun.’’

“Sige Sir.’’

Tumuloy si Anton sa kanyang table. Binuksan ang laptop. Pagkatapos ay nagtungo sa bintana at tinanaw ang mga sasakyang nasa trapik. Parang mga kaha ng posporo. Nakakalibang ang pagtanaw sa mga sasakyang nasa trapik.

Maya-maya bumalik siya sa table niya at naupo. Hinarap ang laptop. Tiningnan kung may message siya.

Maya-maya ay tinapunan niya ng tingin si Ginger na nakatayo at may kinukuha sa filing cabinet. Maganda si Ginger. Tamang-tama ang hubog ng katawan.

May boyfriend na kaya ito? (Itutuloy)

vuukle comment

GINGER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with