^

Punto Mo

Nagkatotoo ang kuwento sa pelikula

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

SI Christopher Reeves ang gumanap sa role na Superman noong 1978. Ito ang naging behikulo niya upang sumikat. May ginawa siyang pelikula na may pamagat na Above Suspicion para sa HBO na isang cable channel.

Sa Above Suspicion, ang ginagampanan ni Reeves ay isang police officer na dumadaan sa sobrang depresyon. Inutusan niya ang kanyang misis at kapatid na lalaki na barilin na lang siya upang may makuha sa kanyang insurance.

Bakit ang karakter na ginagampanan niya ay dumadaan sa matinding depresyon? Siya ay isang pulis na nabaril at tinamaan sa gulugod. Ito ang naging dahilan para siya maparalisa at nanatiling nakakulong sa wheelchair. Halos nasa wheelchair lang siya sa karamihan ng mga eksena sa  pelikula. Ang Above Suspicion ay nag-premier noong May 25, 1995. Upang maging makatotohanan ang pagganap niya bilang paralisado, nagpunta siya sa ospital upang mag-obserba ng mga pasyenteng hindi maigalaw ang katawan dahil nagkaproblema sa gulugod. Nanghiram pa siya ng wheelchair upang magpraktis kung paano ipo-portray ang role na kanyang gagampanan.

Noong May 27, 1995, dalawang araw makaraan ng premier ng pelikula, sumali si Reeves sa equestrian competition sa Culpeper, Virginia. Sa hindi inaasahang pagkakataon, siya ay nahulog sa kabayo, nabali ang gulugod at leeg na naging dahilan upang maparalisa ang katawan. Kailangan niyang mag-wheelchair at umasa sa “breathing apparatus” upang maipagpatuloy ang kanyang buhay.

Kung sa pelikulang Poltergeist, ang prediksiyon ng petsa ng kamatayan ng batang bida ay nakita sa poster na ginamit na props, dito sa Above Suspicion, ang mismong role ni Reeves ang nag-predict na ganoon ang mangyayari sa kanya, saktung-sakto ng kanyang ginampanan.

vuukle comment

HBO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with