^

Punto Mo

Ang pelikulang nanghula ng petsa ng kamatayan

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

NAALAALA pa ba ninyo ang nakakatakot na pelikulang Poltergeist noong 1982? Ang  theater poster ng pelikulang ito ay ganito: Isang batang babae ang nakaharap sa TV na pulos liwanag lang ang nakikita. Sa tunay na buhay, ang pangalan ng batang ito ay Heather O’Rourke. Mga 6 or 7 years old siya nang gawin ang pinakaunang Poltergeist. Nasundan kasi ito ng Poltergeist II and III dahil sa sobrang hit ng original na Poltergeist sa takilya.

Ginagampanan niya ang karakter ni Carol Anne na kinidnap ng mga multo. Basta na lang siya pumasok sa loob ng TV set habang ang screen nito ay napupuno ng liwanag.

Ang producer ng pelikulang nabanggit, si Steven Spielberg, ang naka-discover sa batang si Heather. Sa pelikula, tatlo silang bata na gumanap na magkakapatid—dalawang babae at isang lalaki. Sa isang eksena, habang ang karakter ni Robbie, kuya ni Carol Anne  ay nakahiga sa kanyang bedroom, may poster sa ulunan nito na may nakalagay na  “1988 Super Bowl XXII”.

Walang kinalaman ang Super Bowl sa pelikula ngunit nakapagtataka na iyon ang napili ng production staff na gawing room decoration ng batang karakter. Idagdag pa na sobrang advance ang advertisement dahil noon ay 1982 pa lang.

Noong January 31, 1988, sa bahay ni Heather sa San Diego California, excited ang mag-anak dahil iyon ang araw ng Super Bowl sa San Diego. Pero hindi sila natuloy ng panonood dahil sumama ang pakiramdam ni Heather.

Kinabukasan, bago dalhin sa ospital ay hinimatay siya. Pagsapit ng hapon ay nalagutan siya ng hininga. Pumanaw siya sa edad na 12. Iyon pala ang ibig sabihin ng Super Bowl  poster na aksidenteng nakuhanan sa pelikula—taon (1988) kung kailan mamamatay ang batang bida.

 

vuukle comment

DEATH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with