^

Punto Mo

Residente ng Calaca, Batangas, naghihimutok!

BAKAS AT ALINGAWNGAW - Kokoy Alano - Pang-masa

ISA ang Calaca sa mga bayan sa Batangas na patuloy na sinasalanta nang pagsabog ng Taal Volcano na nagsimula noong 2020. Nasundan pa ito ng pananalasa ng ilang bagyo sa kalagitnaan ng COVID-19 pandemic. Penitensiya nga talaga!

Humaharap ngayon si Calaca Mayor Sofronio Ona sa maraming reklamo hinggil sa kakulangan ng medical assistance kahit nagdonasyon pa ito ng sariling lupain upang pagtayuan ng isang ospital. Hindi naman diumano libre ang magpagamot, kaya napipilitan ang mga residente ng Calaca na dumayo pa sa ibang bayan tulad ng Lipa City para kumunsulta at magpagamot nang libre. Ano naman ang silbi ng PhilHealth?

Kinaiinggitan ang Lipa City nang maraming Batangueño dahil magaling daw si Mayor Eric Africa.  Libre raw sa ospital ng Lipa City, magmula sa konsultasyon, gamot at confinement at maging ang kidney dialysis ay walang bayad. Nakakainggit nga!

Talaga namang nasalanta nang todo ang halos lahat ng bayan sa paligid ng Taal Volcano dahil sa pagputok nito. At isa ang Calaca sa napahamak ang pamumuhay lalo na ang mga nagtatrabaho sa industriya ng niyog at pangingisda.

Marami na raw ang dismayadong Calaqueño, tulad nina Ysabelo de Joya at Christian Bendaña. Nagsampa na sila ng reklamo sa Office of the Ombudsman dahil sa diumano’y mga kuwestiyonableng government expenditures na naghihintay pa nang pagdinig hanggang ngayon. Malamang na politically motivated din ang magiging depensa ni mayor. Pustahan tayo? He-he!

Sa dami ng inirereklamo ngayon sa Ombudsman, malamang na maihanay na rin sa “Monalisa File” ang reklamo ng mga Calaqueño na may temang “they just lie there and they just die there”. Hintayin na lang natin. Tama ba Pilosopong Tasyo? Ehem!

 

vuukle comment

TAAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with