^

Punto Mo

EDITORYAL - Hanapin, nawawalang sabungeros

Pang-masa

HINDI pa natatagpuan ang 31 sabungeros. May nagsabi na baka patay na ang mga ito. May nag­­sasabing itinatago lamang ang mga sabungeros. Sabi ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), 15 suspects na ang sinampahan nila ng kaso dahil sa pagkawala ng mga sabungeros. Ayon sa CIDG, kabilang sa mga kinasuhan ay mga security personnel ng Manila Arena na nagtulung-tulong para maisakay­ sa gray van ang mga sabungeros. Nakunan ng CCTV ang pagpasok at paglabas ng van sa nasabing sabu­ngan sa Sta. Ana, Manila. Sinampahan ng kidnapping at serious illegal detention ang mga suspects. Ang pagsasampa ng kaso ay kinumpirma naman ng Department of Justice (DOJ).

Mabagal ang paghahanap sa mga nawawalang sabu­ngeros. Umiiyak na ang mga kaanak ng biktima su­balit walang makapagturo kung nasaan na ang mga sabungeros na kinidnap umano sa iba’t ibang lugar sa bansa. Isa sa mga biktima ang nakapag-text pa umano sa ama nito bago kinidnap sa Manila Arena. Mula noon, hindi na nakita ang sabungero.

Nang magsalita si President Duterte sa kanyang pagbisita sa Palo, Leyte noong Biyernes, sinabi niyang posibleng patay na ang mga sabungeros. Ayon sa pre­sidente, may sindikato umano sa sabungan. Sinabi pa ng presidente na maaaring nananabotahe ng laban ang mga nawawalang sabungeros. Mayroon uma­nong ginagawa sa mga panabong para manghina at matalo sa laban. Posibleng nahuli ng sindikato ang gina­gawa ng mga sabungeros kaya nalagay sa peligro ang buhay ng mga ito.

Kung may hinala nang ganito, nararapat ipag-utos ang imbestigasyon sa mga nasa likod ng pagdukot. Ala­min ng PNP ang mga sindikato sa sabungan at kal­kalin lahat para malaman ang katotohanan. Hindi dapat­ magsawalang-kibo sa mga nawawalang sabu­ngeros.

Pakilusin naman sana ng presidente ang kamay ng batas para malaman kung ano ang nangyari sa mga nawalang sabungeros. Nakakaawa ang kalagayan ng kanilang mga kaanak na naghihintay.

vuukle comment

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with