^

Punto Mo

SK, magiging training ground ng leaders ng bansa!—Eleazar

DIPUGA - Non Alquitran - Pang-masa

GAGAWING training ground ni Senatorial aspirant ex-PNP chief Guillermo Eleazar ang Sangguniang Kabataan (SK) kung saan huhubugin ang mga mahihirap na kabataan na maging lider ng bansa. Kapag sa Senado na s’ya, ang unang gagawin ni Eleazar ay ang pagsulong ng reporma sa SK para bigyan ng patas na oportunidad ang matalino at kwalipikado subalit mahirap na kabataan na maging chairperson ng SK council. Napupuna kasi ni Eleazar na karamihan ng mga SK leaders sa bansa ay mga anak ng mayayaman o pulitiko kung saan hinahasa sila ng kanilang pulitikong mga magulang sa larangan ng pulitika.

Ayon kay Eleazar, maraming matatalino at qualified na mga anak ng magsasaka, tricycle at jeepney driver, mga tindera sa palengke at mga mahihirap ang hindi nabigyan ng pagkataon na maging miyembro ng SK dahil sa election pa lang ay bongga na ang gastusin. “Kaya sa napakatagal na panahon, naging parang exclusive ang SK sa mga anak at kamag-anak ng mayayaman at ng mga nasa kapangyarihan na handang magbuhos ng pera sa SK election,” ani Eleazar. Mismooooo! Dipugaaaaa! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan?

Nangangamba si Eleazar na kapag hindi nabago ang sistema sa SK, walang pagbabago na mapapala ang ating bansa dahil sa murang edad pa lamang ay nahasa na sa tradisyunal na konsepto ng pulitika ang mga kabataaan. Inihalintulad ni Eleazar ang pagbabago na gagawin n’ya sa SK ang sistema sa recruitment system noong hepe pa siya ng National Capital Region Police Office (NCRPO) kung saan isinantabi niya ang “padrino” system para bigyan ng patas na oportunidad ang mga “best at qualified” na aplikante na pumasok sa hanay ng kapulisan.

Noong naging hepe s’ya ng PNP, pinalawak ni Eleazar ang reporma sa recruitment system sa buong bansa kung saan maraming anak ng mahihirap na pamilya ang nabigyan ng katuparan ang kanilang panaginip o pangarap na maging pulis.

“The drastic reform in the PNP recruitment system which I initiated is something that I want to see when it comes to SK,” ani Eleazar. “Lagi nating sinasabi na ang kabataan ang pag-asa ng bayan, pero paano natin ito magagawa kung hindi patas ang laban para maging SK Chairperson or SK Council members?” ang dagdag pa niya. Dipugaaaaa! Hihihi! May punto si Eleazar dito!

Sinabi ni Eleazar na hindi dapat iparehas sa national at local elections ang SK election at dapat kada kalye o purok ay may representante hindi ‘yaong mga anak ng pulitiko at mayayaman lang ang tumatakbo. Aniya, dapat ang lahat ng kandidatong SK chairperson ay ibando ang platform of government n’ya sa mga botanteng kabataan, at pagkatapos noon ay election kaagad.“Para sa akin, hindi dapat sila obligado na magbuo ng sarili nilang partido dahil traditional politics yun. Instead, ang SK chairman lang ang iboboto sa barangay youth assembly na gagawin ng Commission on Elections.

At kapag naiboto na ang SK chairperson, he or she would facilitate the nomination and election of members of SK council from among those present in the youth assembly,” ang giit ni Eleazar. Sa sistemang ito ni Eleazar, iiral ang pagalingan dahil kahit papaano patas ang laban at ang mga matatalino at qualified ang mananalo. Dipugaaaaa! Abangan!

 

vuukle comment

SANGGUNIANG KABATAAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with