^

Punto Mo

Mayor Domagoso, isang makabagong trapo?

DIPUGA - Non Alquitran - Pang-masa

‘ANYARE presidential aspirant Manila Mayor Francisco Domagoso Sir at bakit bigla kang naging balimbing? Ito ang katanungan na naging hot topic sa mga umpukan sa buong bansa matapos hilingin ni Domagoso kay PRRD na iendorso siya matapos umatras sa kanyang kandidatura si Sen. Bong Go. Ayon kay Domagoso, inaasahan niya ang basbas ni PRRD para pati ang mga kaalyado nito ay lilipat sa kampo niya. Maaring itong kahilingan ni Domagoso ay gimik lang ng PR manager n’ya na si Lito Banayo at nagtagumpay naman sila na mapag-usapan ng mga Pinoy itong hakbangin ni Yorme, ‘di ba mga kosa? Kaya lang umani rin ng puna ng mga kritiko ang ginawa ni Domagoso kasi nga nagmukhang ibibenta na niya ang kanyang prinsipyo. Ano ba ‘yan? Dipugaaaaa!

Matatandaan na nagpapalitan ng maanghang na salita sina PRRD at Domagoso, ang standard-bearer ng Aksiyon Demokratiko, patungkol sa iba’t ibang programa sa pamamahala ng COVID-19. Halos hamunin nga ng away ni Yorme ang mga taga-Palasyo nang sabihing “bumibili sila sa Lawton ng tapang”.  Subalit sa ngayo’y biglang umiba ang ihip ng hangin at nagpapasalamat na agad ito “in advance”, si Yorme sakaling siya’y mapupusuan ni PRRD para sa May elections. Sa mga panahon na ‘yaon, parang diring-diri pa si Domagoso nang akusahan siyang “secret candidate” ng Malacañang noong nagdaang buwan ng Oktubre. Todo-tanggi rin si Yorme at tahasang sinabing hindi siya magiging “closet candidate”,  dahil tinutulan niya ang mga polisiya ng administrasyon at ang isa na rito ay ang sapilitang pagpapagamit ng face shield.

Ngunit sa panayam ng media matapos umatras si Sen. Bong Go noong Martes, walang kagatul-gatol na inamin ni Yorme na “lahat ay welcome” sa kanyang kandidatura, na ang tinutukoy ay ang mga supporters ni PRRD at Go. Kahit sinong tao umano basta makatutulong sa ikapapanalo niya sa eleksiyon ay ­kailangan niya ng tulong — kahit na ito ay mula mismo sa endorsement ni PRRD. Asan na ang prinsipyo mo, Kuya? Lima-singko na rin ba ito ngayon sa Maynila? Hihihi! Mukhang nakalimutan na ni Yorme na siya mismo ang kumuwestyon kay PRRD kung bakit “brief ng may brief” ay pinapansin ng Malacañang. Dipugaaaaa!

Sa totoo lang, madami ang humanga dito kay Domagoso nang nilabanan n’ya ang mga proyekto ng Palasyo na sa tingin n’ya ay hindi kanais-nais sa panahonng pandemya. Sinayang lang n’ya ito sa “pagbalimbing” n’ya kay PRRD.

Subalit dito sa panawagan n’yang suporta kay PRRD, mukhang makalimutan na ni Yorme ang isyu na nagkagulo ang PDP Laban Party dahil sa ilang tuso at hunyangong pulitiko sa Malacañang. Hindi lang ‘yan! Ganun na rin ang bilyon pisong nakurakot ngayong panahon ng pandemya dahil sa Pharmally scandal, na nangyari sa kasagsagan ng COVID-19. Sayang talaga si Yorme! Ang buong akala ng mga kosa ko, si Yorme na ang pag-asa sa mga Pinoy na magbibigay ng tunay na pagbabago sa gobyerno. Mabilis na kinain ng sistema si Yorme na sa ngayon ay masasabi kong isang makabagong trapo. Dipugaaaaa! Abangan!

vuukle comment

FRANCISCO DOMAGOSO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with