^

Punto Mo

Lalaki sa China na madalas amuyin ang marumi niyang medyas, nagkaroon ng impeksiyon sa baga!

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG lalaki sa China ang naospital dahil sa malalang pulmonary fungal infection. Napag-alaman na kaya siya nagkaroon ng impeksyon ay madalas nitong amuyin ang ginamit na maruming medyas!

Sinugod ang 37-anyos na si Peng sa 909 Hospital sa Zhangzhou, Fujian Pro­vince. Ayon kay Peng, ilang araw na siyang nakararanas ng pananakit ng dibdib at walang tigil na pag-ubo.

Nang sumailalim siya sa x-ray, nakita na may severe lung infection ang kanyang baga. Sa mga sumunod pang pagsusuri sa kanyang lungs, nakita na ang naging sanhi ng impeksiyon ay isang bacteria na madalas matagpuan sa mga sapatos! Umamin si Peng na naging habbit na niyang singhutin ang hinubad niyang medyas pagkagaling sa trabaho.

Ayon sa kanyang mga doktor, bihira ang ganitong kaso ng lung infection at maaaring ang mahinang immune system ni Peng ang malaking dahilan kaya siya nagkaroon ng sakit.

Nag-viral ang balitang ito sa Chinese social media platform na Weibo at nakakuha ng 65 millions views.

Sa kasalukuyan, maga­ling na si Peng at wala nang impeksiyon sa baga. Nang tanungin kung ipagpapatuloy pa niya ang pag-amoy sa ginamit na medyas, hin­ding-hindi na raw. Takot na raw siyang magkasakit at maulila ang kanyang asawa’t anak.

 

vuukle comment

CHINA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with