^

Punto Mo

Lalaki sa Nigeria, inaresto habang ibinibenta ang sarili sa palengke sa halagang $50,000!

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG lalaki sa Nigeria ang inaresto habang ­ibinebenta ang sarili sa isang palengke sa Karo, Nigeria sa halagang 20 million Nigerian Naira (katumbas ng $50,000).

Naging laman ng mga national news headlines sa Nigeria si Aliyu Na Idris matapos makitang pagala-gala sa siyudad ng Karo na may suot na cardboard sign na may nakasulat na “THIS MAN IS FOR SALE, 20 MILLION NAIRA”.

Sa panayam ng reporters sa 26-anyos na sastre, napag-alaman na isang buwan na niyang inilalako ang sarili sa bayan ng Kaduna ngunit nang wala siyang makitang interesadong bumili sa kanya, kaya lumipat siya sa siyudad ng Karo at doon nagbakasakaling maghanap ng bibili sa kanya.

Nang tanungin kung bakit niya naisipang ibenta ang sarili, matinding kahirapan ang kanyang naging sagot.

Kapag naibenta na niya ang sarili, ibibigay niya ang 10 million naira sa kanyang magulang, 5 million bilang pambayad ng buwis at 2 million sa makakatulong sa kanya na makahanap ng buyer.

Hindi naging maliwanag kung ano ang magi­ging pakinabang sa kanya kapag siya’y nabili pero ayon kay Aliyu, may nahanap na siyang ilang interesadong buyers ngunit bago pa siya makipagkasundo sa mga ito, inaresto na siya ng mga awtoridad at pansamantalang ikinulong sa detention center.

Agad din naman siyang pinalaya matapos ang isang araw na pagkakakulong.

 

 

vuukle comment

NIGERIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with