^

Punto Mo

Non-compete clause sa mga employment ­contract, pinapayagan ba ng batas?

DEAR ATTORNEY - Atty. Aeron Aldrich B. Halos - Pang-masa

Dear Attorney,

Natanggap po ako sa una kong trabaho. Gusto ko lang po sanang malinawagan ukol sa non-compete clause na nasa employment contract ko. May basehan po ba sa batas ang nakalagay doon na dalawang taon daw ako hindi maaring lumipat sa ibang kompanya na may katulad na negosyo? —Jenny

Dear Jenny,

Nakasaad sa ating Civil Code na malaya ang mga pumapasok sa isang kontrata na magtakda ng kahit anong terms o kondisyon na gusto nila, basta hindi ito labag sa batas, salungat sa moralidad at sa mga mabuting nakagawian ng ating lipunan, o taliwas sa public order at public policy.

Sa kaso ng Tiu v. Platinum Plans Phils. Inc. (G.R. No. 163512, 28 February 2007), sinampahan ng demanda ang isang empleyado matapos siyang sumali sa ibang kompanya na nasa parehong negosyo ng kanyang dating employer. Katulad ng sitwasyon mo, may katulad ding non-compete clause ang employment contract ng empleyado na nagbabawal sa kanyang  lumipat sa ibang employer na may kaparehong negosyo.

Ito ang dahilan kung bakit siya inireklamo ng kanyang dating employer. Depensa naman ng inireklamong empleyado, taliwas sa public policy ang pagbabawal sa kanyang sumali sa karibal na kompanya dahil karaniwan na naman itong nangyayari sa kanilang industriya at magdudulot ito ng kawalan ng kanyang tanging alam na hanapbuhay.

Sa huli, kinampihan ng Korte Suprema ang nagreklamong employer. Ayon sa Korte, hindi ipinagbabawal ang mga non-compete clause basta malinaw kung gaano katagal ang pagbabawal sa empleyado, kung para sa anong industriya ito, at kung para lamang ba ito sa isang partikular na lugar. Dahil ang pagbabawal sa kanyang sumali sa mga karibal na kompanya ay hindi naman taliwas sa public policy, kailangan itong sundin ng empleyado dahil malaya naman siyang pumayag sa kondisyon  na ito nang pinirmahan niya ang kanyang employment contract.

Base sa nabanggit, may basehan sa batas ang non-compete clause na nasa kontrata mo kaya kailangan mo itong sundin kung sakaling lumipat ka na ng ibang kompanya upang makaiwas sa posibleng problema.

vuukle comment

EMPLOYMENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with