^

Punto Mo

Isdang may ngipin na parang sa tao, nabingwit sa North Carolina

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

NAG-VIRAL sa Facebook ang litrato ng isang isda na may mga ngipin na akala mo’y sa tao. Ang isda ay nahuli sa North Carolina. Ang nakahuli sa isda ay si Nathan Martin.

Matapos mahuli ni Martin ang isda na tinatawag na sheepshead, kinuhanan niya ito ng litrato at agad ipinost sa Facebook. Mayroon pa siyang kuha na naka-pose katabi ang nahuling sheepshead fish.

Agad kumalat ang litrato. Marami ang hindi makapaniwala sapagkat kakaiba ang ngipin ng isda na kahalintulad sa tao.

Ang hugis at porma ng ngipin ng isda ay walang ipinagkaiba sa tao kaya marami ang nakapansin at nag-share ng litrato nito.

Bukod sa mga nagkomento sa pagkakapareho nito sa ngipin ng tao, may mga nagsabi rin na nakakatakot raw ang itsura ng isda dahil sa kakaibang ngipin nito.

Hindi naman naging hadlang ang itsura ng isda para kainin ito ni Martin, na nagsabing masarap daw ito kaya sulit ang pagka­kabingwit niya rito.

vuukle comment

NORTH CAROLINA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with