^

Punto Mo

Kakaibang Eba (137)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

NAGTAKA si Piolo nang biglang natigilan ang kanyang mama nang marinig mula sa kanya ang pangalang “Encar”.

“Bakit natigilan ka ‘Ma?’’

“Encar ba ang pangalan ng mama ni Mariz?’’

‘‘Opo. Inay Encar po ang tawag sa kanya ni Mariz. Bakit ‘Ma?’’

“Kasi nung nasa kolehiyo ako may naging kaibigan akong Encar. Hanggang sa hindi na kami nagkita. Hindi ko alam kung nakatapos siya ng Pagtuturo. Mabait siya. Hinanap ko siya noong ako’y nagtuturo na sa isang public school pero hindi ko matagpuyan.’’

Nagtawa si Piolo.

“Maraming pangalang Encar, ‘Ma. At saka itong inay ni Mariz ay nakabilanggo na sa wheelchair. Na-stroke kasi siya. Pero magaling na. Si Mariz at ang pamangking babae na lamang ang nag-aaalaga kay Inay Encar.’’

“Ah ganun ba? Sabagay nga maraming pangalang Encar.’’

“Pero napakabait po niya  at napakamaunawain. Mara-hang magsalita. Parang katulad mo rin na kung magsalita ay isang guro.’’

Napatangu-tango ang mama ni Piolo. Halatang nag-iisip sa mga sinabi ng anak ukol kay Inay Encar.

‘‘Humingi ako ng tawad sa kanya sa mga nagawa kay Mariz at naunawaan naman niya ako. Pinatawad agad ako. Nangako ako na mamahalin si Mariz at hindi na kailanman sasaktan ang damdamin nito.

‘‘Mabuti naman at nagkaayos na kayo. Matatahimik na rin ang kalooban ko. Kasi’y mapaglaro ka sa mga anak ni Eba.’’

“Hindi na ngayon ’Ma. Kaya nga pakakasalan ko na si Mariz.’’

‘‘Tama ang desisyon mo.’’

‘‘Kaya bukas, pupunta tayo sa kanila.’’

“Excited ako. Gusto kong makita si Mariz at ang kanyang Inay Encar.’’

KINABUKASAN, maagang umalis sina Piolo.

‘‘Ilang oras ang biyahe patungo kina Mariz, Piolo?’’

‘‘Dalawang oras, ‘Ma.’’

“Mga alas siyete pala ay naroon na tayo. Excited talaga ako.’’ (Itutuloy)

vuukle comment

KAKAIBANG EBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with