^

Punto Mo

Paano tuksuhing magkasala ang isang relihiyoso?

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

APAT na demonyo ang ipinadala ni Satanas para tuksuhin ang napakarelihiyosong lalaki. Siya ay nagtatrabaho bilang supervisor sa isang international company na gumagawa ng processed meat. Tuwing Linggo ay nagsisilbi siyang pastor ng kanilang simbahan. Ang lalaking ito ang ginawang subject ni Satanas upang testingin niya ang galing ng kanyang mga kampon sa panunukso ng mga tao upang itulak ang mga ito sa kasalanan.

Unang ipinadala ng mga demonyo ay isang seksi at matalinong sekretarya. Walang ibang nag-aplay kundi ito kaya natanggap kaagad. Nang minsang nag-overtime silang dalawa, nag­hubad ang sekretarya at niyaya niya ang relihiyosong boss na magtalik. Ngunit sa pagtataka ng sekretarya, tinalikuran lang siya ng boss sabay alis ng opisina. Mas nanaig ang pagmamahal ng relihiyosong lalaki sa kanyang asawa. Nakarating sa management ang kalaswaan ng sekretarya kaya ito ay natanggal sa trabaho.

Pangalawang ipinadala ng mga demonyo ay isang tao mula sa kalabang kompanya na inaalok ang relihiyosong lalaki ng dalawang milyong piso kapalit ng secret formula ng processed meat na ginagawa ng kanilang kompanya. Hindi ipinagpalit ng lalaki sa dalawang milyong piso ang loyalty niya sa pinaglilingkurang kompanya sa loob ng 30 taon.

Ang lahat ng ito ay pinapanood ni Satanas mula sa kanyang trono sa impiyerno kaya’t bumaba siya sa lupa upang pagalitan ang mga kampon.

“Mga istupido, nakalimutan ninyo ang isa kong itinuro sa inyo na pinakaepektibong teknik para magwala ang “itinatagong kasamaan” ng isang tao. Manood kayo at ako mismo ang manunukso sa lalaking ito.”

Lumapit si Satanas sa relihiyosong  lalaki na noon ay nagpapahinga sa loob ng kanyang opisina. Nagpalit-anyo ito ng isang kaopisina.

“Natatandaan mo ang dati mong trainee na si Reynante? Kahapon ay ipinadala siya sa ating main office sa USA para magsanay doon at pagbalik dito ay magiging manager ng ating department.”

Nagulantang ang lalaki pero hindi nagpahalata sa inakala niyang kaopisina. Nang nag-iisa na ito sa kanyang opisina, nagmura ito nang nagmura. Sinisi niya ang mga nakakataas sa kanya na hindi pinahalagahan ang kanyang kasipagan. Mas pinili si Reynante na 10 taon pa lang ito sa kompanya. Pati ang Diyos ay nakasama sa paninisi at hinanakit. Tapos natulala ang lalaki. Naisip niyang gumanti sa kompanya. Ngayon tatanggapin na niya ang dalawang milyon. Ibebenta niya ang secret formula ng kanilang produkto.

Humahalakhak si Satanas sabay sabi sa kanyang mga kampon: Kakayanin ng mga taong iwasan ang iba’t ibang klase ng tukso ngunit hindi nila maiwasan ang mainggit sa tagumpay ng kanilang kapwa.

vuukle comment

RELIGION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with