^

Punto Mo

EDITORYAL - Handa na ba sa mga bagyo?

Pang-masa
EDITORYAL - Handa na ba sa mga bagyo?

DALAWAMPUNG bagyo ang tumatama sa bansa taun-taon at karamihan sa mga ito ay mapaminsala at maraming tao ang namamatay. Sa kabila nito, marami pa rin ang hindi nakapaghahanda. Maski ang pamahalaan ay walang sapat na kahandaan at kung kailan nagbabanta na ang pagtama ng bagyo saka lamang nagpaplano. At ang resulta, marami ang napapahamak at nagbubuwis ng buhay.

Isang halimbawa ay ang pananalasa ng bagyong “Dante” sa Eastern Samar noong Miyerkules na nagresulta sa pagkamatay ng tatlong tao at pagkasira ng mga pananim at ari-arian. Pagkalunod at naguhuan ng lupa ang dahilan nang pagkamatay. Matapos manalasa sa Samar, tinungo ni “Dante” ang Southern Luzon at binayo ang mga probinsiya ng Romblon, Mindoro provinces, Marinduque, Quezon, Cavite, Batangas bago lumabas ng bansa kahapon. Sa report ng Department of Agriculture, tinatayang P14.6 milyon ang napinsala ng bagyong “Dante”.

Hindi pa itinuturing na malakas na bagyo ang “Dante’’ kung ikukumpara sa mapaminsalang “Yolanda” na tumama sa Eastern Visayas noong 2013 na ikinamatay ng 6,000 katao.

Ngayong nagsisimula na ang paghataw ng mga bagyo, isang katanungan ang nararapat ipaalala hindi lamang sa mamamayan kundi mas lalo sa kinauukulan. Handa na ba sa mga kalamidad gaya ng bagyo? May plano na ba ang local government units (LGUs) kung kailan aalisin sa mga pampang ng ilog at estero ang mga informal settlers na apekrtado ng baha at pagguho ng lupa.

Mayroon na bang nakahandang evacuation centers sakali at mayroong mga ililikas? At may nakahanda na bang plano kung paano hindi magkakahawahan sa COVID-19 ang mga nasa evac centers? Mayroon na bang nakahandang mga rubber boat o mga pang-emergency na sasakyan sakali at tumaas ang tubig sa mga apektadong lugar.

Nakalabas na ng bansa si “Dante” pero tiyak na may kasunod uli ito dahil panahon na ng bagyo. Handa na ba sa mga susunod pa?

 

vuukle comment

TYPHOON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with