^

Punto Mo

Ang tunay na Yorme! Walang dada, aksiyon agad!

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo - Pang-masa

IPINALABAS sa BITAG live noong Lunes ang sumbong ng mga empleyadong tumakas sa kanilang pinagtatrabahuhang pabrika sa Valenzuela City. Simula nang magpandemya, ikinukulong ang mga empleyado sa pabrika, bawal umuwi at lumabas. Kaya lahat ng gate at pinto, nakakandado!

Ang mga empleyado, sa sahig na rin natutulog na parang mga alagang baboy. Tumakas ang mga empleyado sa takot sa kanilang amo dahil lumabas ang video ng kanilang kalagayan sa social media.

Agad namin itong ipinaabot kay Valenzuela Mayor Rex Gatchalian. Umaksiyon agad ang mayor.

Mayo 24, pina-inspeksiyon ni Mayor Gatchalian ang pabrika. Subalit hindi pinapasok ang mga kawani ng Valenzuela City Hall at BITAG. Wala umano ang may-ari ng pabrika.

Nag-iwan ng babala ang mayor, babalik kinabukasan ang kanyang mga tao at BITAG. Kapag hindi ulit kami pinapasok, ipasasara niya nang tuluyan ang pabrika.

Kinabukasan, Mayo 25, matagumpay na naisagawa ang inspeksiyon sa pabrika subalit ang grupo ng BITAG, hinarang pa rin at hindi pinapasok. Tulad ng inaasahan, halatang nakapaghanda na ang kompanya dahil nalinis na ang buong pagawaan. Subalit may nakita pa ring violations ang Valenzuela City Hall.

Kinahapunan, ipinatawag ni Mayor Gatchalian ang mga nagmamay-ari ng pabrika. Dumating ang mga abogado nito.

Nagtangkang mangatwiran ang dalawang abogado, pilit ipinagtatanggol ang kanilang kliyente. Subalit nagmukhang basang sisiw ang mga ito nang sabunin ni Mayor. Dahil sa mga nadiskubreng paglabag ng pabrika, nasupalpal ang mga abogado.

Iisa lang ang pamantayan na aming sinusunod ni Mayor Gatchalian, kapag gumawa ka ng tama – pupurihin ka. Kapag gumawa ka ng mali at kumakasa ka – malilintikan ka talaga.

Kasalukuyang “stop operation” ang pabrika. Kailangang maayos muna ang kanilang violations at mabayaran ang mga nagrereklamong empleyado bago muling magbukas ang pabrika.

Ito ang tunay na Yorme! Wala nang maraming dada, gawa agad!

Hindi anti-business ang BITAG, hindi rin kami tagakunsinti ng mali. Kung ano ang nasa batas, sinusunod at tumutulong kaming ipatupad ito. Sa ngalan ng serbisyo publiko’t pagtulong sa mga kababayang nangangailangan.

vuukle comment

ISKO MORENO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with