^

Punto Mo

50 strategies para humimbing ang tulog (Part 2)

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

13. Iwasang magpuyat.

14. Tumulog sa magkaparehong oras gabi-gabi. Gumising ng parehong oras tuwing umaga. Ito ay upang hindi magulo ang inner body clock.

15. Kapag iidlip sa hapon, ito ay hindi dapat lalampas sa 30 minute. Huwag umidlip pagkalagpas ng 3 p.m.

16. Laging samahan ng mani ang iyong diet araw-araw. Ayon sa ginawang pag-aaral  ng La Loma Linda University, ang mani ay mayaman sa selenium at magnesium na nagdudulot ng himbing sa pagtulog. Ang isa pang mahusay na pampahimbing ay pistachio nuts.

17. Gumamit ng shades/sunglasses na may blue light-blocking glasses. Mainam ito sa mga taong laging gumagamit ng electronic devices kagaya ng  computers, smartphones, tablets, at televisions. Ang mga devices na ito ay naglalabas ng blue light na humahadlang para labasan ang iyong katawan ng melatonin. Ito ang hormone na tumutulong para makatulog ka kaagad nang mahimbing.

18. Magpaaraw ng 2 oras sa umaga upang manatiling maayos ang circadian rhythm. Tinuturuan nito ang ating katawan na maging masigla sa araw at makadama ng  antok pagsapit ng dilim.

19. Mag-shower sa gabi gamit ang maligamgam na tubig.

20. Mag-invest sa aircon, komportableng bed, mattress, unan at blanket. Wala nang hihigit pa sa maginhawang bedroom at higaan.

21. Uminom ng chamomile tea na nagpapakalma ng nerves bago matulog.

22. Ibalanse ang iyong blood sugar sa pamamagitan ng pag-iwas sa sobrang matatamis na pagkain. Narito ang pagkaing nagpapababa ng blood sugar naturally : avocado, cinnamon, turmeric, luya, olive oil, itlog, vinegar.

23. Tanggalin ang mga kalat sa iyong bedroom.

24. Kahit anong klaseng liwanag ay nagpapagising ng utak. Kaya tanggalin sa kuwarto ang nagdudulot ng blue light: cell phone at digital clock.

25. Gumamit ng eye mask.

26. Palitan na ang kama na 7 years old o higit pa. (Itutuloy)

vuukle comment

SLEEP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with