^

Punto Mo

P190-M na droga, unang accomplishment ni Eleazar!

SUPALPAL - Non Alquitran - Pang-masa

MAY pasalubong kaagad kay Philippine National Police chief Gen. Guillermo Eleazar ang PNP Drug Enforcement Group (PDEG). Napaslang ng PDEG sa ilalim ni Director Brig. Gen. Remus Medina ang dalawang bigtime drug pusher sa isang drug sting sa Pasig City kung saan nakakumpiska ng 22 kilos ng shabu na nagkakahalaga ng P150 milyon at nagbunot pa ng marijuana na umaabot sa P40 milyon sa bundok ng Kalinga.

Ito ang unang accomplishment ni Eleazar laban sa droga matapos maluklok sa puwesto noong Mayo 7. Ang buong akala ng mga drug syndicate ay mag-lie low ang PNP sa kampanya vs droga dahil bago na ang hepe nila subalit nagkamali sila. Sinabi ni Medina na lalo nilang paigtingin ang laban vs droga alinsunod sa kautusan ni President Digong na walisin na ito sa kalye ng Pinas. Mismooooo!

Ang kautusan ni Eleazar kay Medina ay unahin ang source ng shabu at marijuana saang panig man ng Pinas samantalang ang lokal police ang bahala sa mga small-time na adik. Araguuyyyyy! Hak hak hak! Maraming nakalinyang target si Medina kaya ang payo ni Eleazar sa drug syndicates, huminto na dahil hindi sila tatantanan ng PDEG. 

Ang na-neutralize ng PDEG, kasama ang PDEA at iba pang PNP units ay si Arthur Abdu at ‘di kilalang kasama sa isang drug sting sa Axis Road, Bgy, Kalawaan, Pasig City noong Linggo. Bumili ang bataan ni Medina ng dalawang kilo ng shabu sa halagang P2 milyon kay Abdul at nagkaroon ng engkuwentro matapos matantiya ng dalawa na mga pulis ang katransaksiyon nila.

Sinabi ni Medina na nabawi nila ang P2 milyon boodle money, kasama ang kalibre .45 at .380 pistol at grey Nissan Sentra (XJG 404) kung saan nakuha pa ang 20 kilos ng shabu na may Chinese characters sa isang bag. Araguuyyyy! Hak hak hak! Libong kabataan at adik ang mabibiktima nitong shabu kung hindi nahadlangan ng mga bataan ni Eleazar ang paglaganap nito sa kalye, di ba mga kosa?

Sinabi ni Medina na si Abdul ay isa sa mga distributor ni Michael Lucas na naaresto ng PDEG at PDEA sa Dasmariñas City, Cavite noong Abril 26. Ang kanilang shabu supply ay galing sa kapatid nating Muslim na si alyas Bating, na bodegero naman ng isang Chinese national. Hayyyyy! China na naman? Ang grupo ni Lucas ay nag-o-operate sa Metro Manila at kalapit na lugar sa Calabarzon at Central Luzon. Hak hak hak! Mahaba ang listahan ni Medina sa Coplan Chain Knuckle kaya tiyak may kasunod pa ito. Mismoooooo!

Nagsagawa rin ng tatlong araw na pagbunot ng marijuana ang mga tauhan ni Medina at Cordillera police director Brig. Gen. Ronald Lee sa Mt. Chumanchil, Bgy, Loccong, Tinglayan sa Kalinga at sinira ang 88,400 fully-grown marijuana plants. Kinumpiska rin ng PDEG at Cordillera police ang 165 kilos ng marijuana, 60 kilos seeds, 15 kilos stalks sa 8,900 square meters clandestine marijuana farms. Walang naarestong cultivator ng marijuana at alam na ‘yan ni Eleazar kung bakit, di ba mga kosa? Painit nang painit ang kampanya ng tropa ni Eleazar vs droga kaya sorry na lang sa mga mahagip nito. Araguuyyyy! 

Iniutos ni Eleazar kina Lee at Medina na huwag tantanan ang pag-eradicate at pagkumpiska sa checkpoint ng marijuana bricks para hindi na ito makababa sa Metro Manila at iba pang parte ng Luzon. Abangan!

vuukle comment

GUILLERMO ELEAZAR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with