^

Punto Mo

200 flight attendants, pilots ng PAL, lumapit sa BITAG!

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo - Pang-masa

MATAPOS mapasok ng sindikato ng investment scam ang Philippine Coast Guard, sumunod naman ang Philippine Airlines.

Dalawang-daang empleyado na binubuo ng flight attendants at pilots ang lumapit sa BITAG dahil ang isa nilang kapwa-cabin crew ang nasa likod ng malakihang panloloko.

Noong nakaraang taon pa raw ito nangyari kung saan hinikayat silang mga kasamahan na mag-invest umano sa iba’t ibang real estate properties na ipatatayo sa iba’t ibang lugar sa NCR.

Sa loob ng anim na buwan, 20% interest ang kikitain ng isang kapitalista. Bilang garantiya na maibabalik ang pera, may digital contract at post dated checks na iniisyu si Dayanara Mae Alarca, flight attendant ng PAL sa kanyang mga kasama.

Agosto 2020, nagkabukingang wala palang naibabalik na kita si Alarca sa mga kasamahang nag-invest.

Kaya ipinaalam na nang mga nagrereklamong flight attendants sa kanilang manager ang ginawa ni Alarca. Subalit nangako lang daw ang mga ito na “aayusin”.

Awa ng Diyos, sa BITAG Pambansang Sumbungan nagpunta ang mga nagrereklamo dahil hanggang sa kasalukuyan, walang napala sa pamunuan ng PAL ang mga biktima.

Katunayan, tuluy-tuloy daw ang pagbibigay ng schedule ng PAL kay Alarca. 

Nilinaw ni PAL Spokesperson Cielo Villaluna, hindi umano umabot ang problemang ito sa pamunuan ng PAL. Kaya matapos nilang mapanood ang sumbong ng flight attendants, agad silang kumilos.

Siya mismo ang kumausap sa mga biktimang flight attendants at piloto at lubos na naunawaan ang epektong dulot ng panloloko ng kapwa cabin crew sa mga empleyado. 

Malinaw daw ang paglabag ni Alarca na nagdulot ng problema’t abala sa kanyang kapwa empleyado. Nangako ang pamunuan ng PAL na may mananagot gayundin, tutulungan ang mga empleyadong apektado.

Babala ng BITAG, ngayong panahon ng pandemya, mahirap kitain ang pera. Huwag na huwag magpapaniwala sa mga investment kuno na “double your money” o papangakuan nang mataas na interes.

Laging tandaan, kapag easy money – kung hindi iligal ay siguradong ika’y madodorobo.

vuukle comment

BITAG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with