^

Punto Mo

Kakaibang Eba (40)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

MARAMI pang bakante sa dumating na jeepney. Mabilis na sumakay si Piolo. Hindi pa rin siya lumilingon sa likuran niya. Pagsampa niya, umalis na ang jeepney.

Nang makalayo ang jeepney sa lugar, saka lamang nakahinga nang maluwag si Piolo at lumingon sa pinanggalingan ng jeepney. Hindi na niya nakita ang lalaki.

Inaamin ni Piolo na kinabahan siya kanina nang makitang biglang nawala ang lalaki. Pakiramdam niya ay nagtago lamang sa paligid ang lalaki at naghihintay nang pagkakataon. Maaaring holdaper ang lalaki at nag­hihintay nang mabibiktima.

At nang naglalakad na siya patungo sa sakayan ng dyipni ay may nararamdaman siyang sumusunod sa kanya. Pakiwari niya, yun ang lalaki. Hindi lang siya lumingon para makatiyak. Naunahan kasi siya ng takot.

Habang nasa dyip, malalim na nag-iisip si Piolo. Ano ba itong nangyayari sa kanya at nadagdagan pa ang nangyayaring misteryo. Dati ang “misteryo” lamang nina Mariz at Maria Celia ang sinosolb niya pero ngayon, pati ang misteryosong lalaki ay nakisali na rin.

Hindi kaya ang lalaking iyon ang engkanto na nagpa-pagulo sa isipan niya?

Sabi ng mama niya, totoo ang engkanto. At kahit saan, kahit sa maunlad na lungsod ay may engkanto – kahit sa matao, busy at masayang Ayala Avenue.

Kinatutuwaan kaya siya  ng engkanto.

Napabuntunghininga si Piolo.

Saka bigla niyang naisip na napalampas na siya sa bababaan. Dali-dali siyang sumigaw ng ‘‘para’’ sa drayber.

(Itutuloy)

vuukle comment

KAKAIBANG EBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with