^

Punto Mo

EDITORYAL - Huwag kurakutin at gamitin sa pulitika ang perang ayuda

Pang-masa
EDITORYAL - Huwag kurakutin at gamitin sa pulitika ang perang ayuda

SINIMULAN nang ipamahagi ng local government units (LGUs) ang ayuda para sa mga kuwalipikadong residente ng National Capital Region (NCR) at apat na lalawigan – Laguna, Cavite, Rizal at Bulacan na nasa ilalim ng enhanced community quarantine (ECQ). Nagpalabas ang Department of Budget and Management (DBM) ng P22.9 bilyong pondo para iayuda. Makakatanggap ng P1,000 kada indibidwal o hanggang P4,000 bawat pamilya. Una nang sinabi ng DBM na bahala ang LGUs kung cash o in-kind ang kanilang ipamamahagi. Marami sa mga residente ang nagsabing mas gusto nila kung cash ang ipapamahagi ng LGUs.

Noong nakaraang taon, marami ang hindi nakatanggap ng perang ayuda sapagkat kinurakot ng ilang barangay officials. Pawang kamag-anak at kasambahay ng barangay officials ang nakinabang. Mayroong nagkadoble-doble pa ang pangalan kaya nakadoble rin ng kuha.

May mga report din na ang mga ayudang bigas, de-lata, noodles, gatas at kape ay nilagyan ng pangalan ng barangay officials. Ang ilang kurakot at suwapang na opisyal, kalahati lamang ang binigay na ayudang pera at ang kalahati ay ibinulsa na.

Sa katunayan, isang barangay official sa Bulacan ang nakunan ng video noong nakaraang taon habang hinahati ang perang ayuda. Nang mapanood ni President Duterte ang video, galit na galit ito at pinagmumura ang opisyal ng barangay. Pati raw perang ayuda sa mahihirap ay ninakaw pa. Hindi na raw naawa.

Kahapon, mahigpit na nagbabala ang Department of Interior and Local Government (DILG) sa mga pulitiko na huwag gamitin para sa 2022 elections ang pamama- hagi ng ayuda sa NCR+. Huwag lagyan ng kanilang lara­wan at pangalan ang ipamamahaging financial assistance.

Sinabi ni DILG Undersecretary Jonathan Malaya na ang mga opisyal at pulitiko na lalabag ay pananagutin sa ilalim ng Section 82 ng General Appropriations Act. Maaaring magreklamo ang publiko sa pinakamalapit na DILG office kung may makikita o malalaman silang pulitiko na lumabag sa kautusan.

Election na sa susunod na taon at lahat nang paraan ay gagawin ng pulitiko para mapansin ng publiko. Sasamantalahin ang pagkakataon kahit pa nga may pandemya. Nararapat namang magbantay ang taumbayan sa ganitong mga galaw. Huwag hayaang manaig ang mga pulitikong magnanakaw.

 

 

vuukle comment

NATIONAL CAPITAL REGION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with