^

Punto Mo

PNP, di bibitaw sa kampanya vs droga kahit tumaas ang COVID-19!

SUPALPAL - Non Alquitran - Pang-masa

TUMATAAS man ang bilang ng dinapuan ng COVID-19 sa Philippine National Police (PNP) subalit hindi naging sagabal ito sa kampanya nila laban sa droga. Habang abala si PNP officer-in-charge (OIC) Lt. Gen. Guillermo Eleazar sa pagbakuna sa mga pulis na frontliners, aba nangako naman s’ya na lalong paigtingin nila ang kampanya vs droga sa bansa. Sa record ng PNP noong Miyerkules, umabot sa 1,837 na pulis sa 1,973 na nagpalista ang nabakunahan na, ani Eleazar, at 33 sa kanila ang nagka-minor reactions. May 1,047 aktibong kaso ng virus din ang PNP.

Inutusan ni Eleazar si Brig. Gen. Ronald Lee, ang hepe ng PNP Drug Enforcement Group (PDEG) at mga regional directors na isulong pa ang kampanya laban sa droga, ang flagship program ni President Digong, na ang primary aim ay drug at crime free na Pinas. Araguuyyyy! Hak hak hak! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan, ‘di ba mga kosa? Mismooooo!

Kaya naman nasabi ni Eleazar na nagtatagumpany ang kampanya ng PNP vs droga dahil na-neutralize ng PDEG at PRO7 sa Cebu ang isang malakihang pusher matapos manlaban. Si Mario Baylosis, 43, ng Sitio Afro, Bgy. Ibo, Lapu-Lapu City ay isang Priority 10 sa High Value Target ng PRO7, ayon kay Central Visayas police director Brig. Gen. Ronnie Montejo. Nakumpiska kay Baylosis ang 500 grams ng shabu na nagkakahalagang P3.4 milyon at kalibre .38 na rebolber. Dinala pa ang sugatang si Baylosis ng mga pulis sa Lapu-Lapu City District hospital subalit hindi na umabot na buhay, ani Montejo. Araguuyyyy!

Sinabi ni Eleazar na si Ejek Ali Abduhalim, 44, naman ay inaresto sa isang drug sting sa Bgy. Walled City, Jolo, Sulu kung saan nakumpiska sa kanya ang 3 kilo ng shabu na nagkakahalagang P20.4 milyon. Ayon kay Brig. Gen. Samuel Rodriguez, director ng Bangsamoro Autonomous Region police, si Abduhalim ay nakorner ng joint PNP at PDEA team sa BAR at sa mabuting palad ay hindi na ito nanlaban. Araguuyyyy! Mabuti naman! Maliban sa paper bag na naglalaman ng shabu, nakuha din kay Abduhalim ang 2 celfone. Buwenas ni Abduhalim, malamig ang ulo ng mga bataan ni Rodriguez, no mga kosa? Mismoooo!

Siyempre, hindi din pahuhuli si Lee at inaresto sina John Andres Gumban alyas Andut, at Russel Rama alyas Kino sa drug sting sa No. 1 Woodpecker St., Sto. Niño VIllage sa Mandaue City. Ayon kay Lee, itong sina Gumban at Rama ay mga courrier ng isang bigtime drug pusher na si Richard Go, na kasalukuyang nakakulong sa Cebu City jail sa kasong droga. Tinatawagan ni Go si Kino para dalhin ang «items» kay Andut para ibenta ito, aniya. Nakumpiska sa dalawang suspects ang 65 grams ng shabu na nagkakahalagang P442, 000, isang Beretta cal. 9mm pistol, SAIGA-12K long firearm, AK-22 long firearm, Rugger ranch rifle, at mga bala. Walang papeles ang mga nakumpiskang baril, ani Lee. Araguuyyyy!

Tinangka pa ng tatay ni Gumban, na si Jose Antonio Gumban, 65, na suhulan ang PDEG agent na si Lt. Alex Lagarto ng P100,000 para pakawalan ang anak niya subalit pati siya ay nakalaboso. Kakasuhan ang matandang Gumban, na isang negosyante, ng corruption of a public official. Araguuyyyy! Hak hak hak! May katapusan kaya itong problema ng bansa sa droga? Abangan!

 

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with