^

Punto Mo

EDITORYAL - Ginamit na face masks humahantong sa dagat

Pang-masa
EDITORYAL - Ginamit na face masks humahantong sa dagat

MARAMING iresponsable sa pagtatapon ng mga ginamit nilang face masks. Sa ngayon, hindi lamang sa kalye makikita ang mga ginamit na face masks kundi pati na rin sa ilalim ng dagat. Kung hindi magkakaroon ng disiplina ang mga tao sa pagtatapon ng used face masks, maaaring sa mga susunod na panahon ay santambak na basura ang makokolekta sa karagatan. At malaking banta ang mga basurang ito sa pagkasira ng kapaligiran. Bukod pa rito, maaa-ring mamatay ang mga lamandagat gaya ng balyena kapag kinain ang face masks na tinapon sa dagat. Babara ang mga ito sa bituka ng mga balyena at iba pang nabubuhay sa dagat.

Sa report ng British Broadcasting Network (BBC) nagulat ang mga divers nang makakuha ng face masks sa coral reef ng Anilao, Batangas. Mga asul na face masks ang naiahon ng divers.

Paboritong dive spot ang Anilao coral reef at hindi akalain ng mga professional divers na ang magandang tanawin sa ilalim ng dagat ay mapapalitan ng mga nakakasulasok na basura na ginamit sa panahon ng pandemya.

Bukod sa face masks nakakuha rin ang grupo ng diver ng iba pang plastic na basura na kinabibilangan ng face shield, plastic bottles, tarpaulin at mga sako. Nakakalat ang mga nabanggit sa dive spot.

Hindi lamang sa Anilao coral reef may mga itinapong face masks at face shield. Noong nakaraang taon, nakita rin sa dagat na malapit sa Baseco ang mga face masks na lulutang-lutang. Bukod sa face masks, may nakita ring face shield at mga guwantes.

Noong nakaraang taon din nakita ang mga itinapong used test kits para sa COVID sa isang kalye sa Sampaloc, Maynila. Nagkalat sa kalsada ang mga test kits na ikinarga ng isang magbabasura sa kanyang traysikad. Ayon sa magbabasura, napulot lang niya ang black bag.

Maging responsible sa pagtatapon ng mga basura lalo na ngayong may pandemya. Huwag tapon nang tapon sapagkat maaring kumalat ang sakit. Kapag humantong sa dagat, apektado ang kapaligiran at pati ang mga lamandagat. Isaayos ang pagtatapon ng mga basura para walang maperwisyo. Maging disiplinado sa pagkakataong ito.

 

vuukle comment

FACE MASK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with