^

Punto Mo

Herd immunity matamo kaya sa Pilipinas?

(AGHAM AT TEKNOLOHIYA) PANDAYAN - Ramon M. Bernardo - Pang-masa

SA pagbabakuna, kabilang sa tinatarget ng mga kinauukulan kaugnay ng pagsugpo sa pagkalat ng COVID-19 ang matamo ang tinatawag na herd immunity. Sa herd immunity, malaking bahagi ng populasyon (50 o 90 porsiyento) sa isang komunidad o bayan o bansa ang hindi na tinatablan ng sakit. Kaya kailangang marami ang mabakunahan para makabalik na ang lipunan sa dating normal.

Naghahabol ang mga opisyal na pangkalusugan sa buong mundo para makapagbakuna ng sapat na bilang ng mga tao para masugpo ang pagkalat ng COVID-19 na sumira nang maraming buhay at kabuhayan. Kung magkakaroon ng herd immunity, ayon sa mga health expert, hindi na mabilis magpalipat-lipat sa mga tao ang virus at matutulungang mapangalagaan ang mga madaling mahawahan ng sakit.

Pero sana matamo rin agad  sa Pilipinas ang herd immunity kahit may mga Pilipino na ayaw magpabakuna o nag-aalanganin o nababahala o natatakot dito o nagdududa. Dahil na rin marahil sa naging kontrobersiya noon sa Dengvaxia pero hanggang ngayon naman ay walang lumalabas na matibay na ebidensiya na may kaugnayan ito sa pagkamatay ng mga naturukan ng bakunang ito. Kaya malaking bagay na pangunahan ng ating mga lider ang pagpapaturok para mahikayat ang mas maraming mamamayan na magpabakuna.

Hindi naman malinaw kung gaano ang itatagal ng bisa ng mga nalikhang bakuna laban sa COVID-19 pero sinasabi ng mga health expert na dapat tumagal ito ng ilang buwan. Hindi pa rin mabatid kung gaano kabisa ang mga bakunang ito sa pagpigil sa pagsalin-salin ng virus sa iba’t ibang tao pero sinasabi naman ng mga eksperto na dapat makatulong ito na mabawasan ang pagkalat ng sakit. Kapag nagkasakit pa rin ang isang tao makaraang mabakunahan, dapat konti na lang ang virus na matatanggal sa kanyang katawan at sa maikling panahon, ayon kay Deborah Fuller na isang vaccine expert ng University of Washington.

Ayon sa mga eksperto ng John Hopkins Bloomberg School of Public Health, kung 80 porsiyento na ng populasyon ang hindi na tinatablan ng virus, apat sa bawat limang tao na nakasama o nakaharap ng isang may  COVID ang hindi na magkakasakit.  Ito ang herd immunity. Sa paraang ito, nakokontrol na ang pagkalat ng nakakahawang sakit. Inihalimbawa nila ang mga tigdas, polio at chicken pox na malaganap noong araw pero bihira na ngayon dahil sa bakuna na nakatulong sa pagkakaroon ng herd immunity.

Pero, marahil, kung mas maraming Pilipino ang magpapabakuna kasama na ang mga lider at opisyal ng pamahalaan, baka makumbinsi na rin dito ang mga nangangamba, nagdududa at nag-aalanganin. Napakahirap ng dinaanan natin sa mga unang buwan ng lockdown, mga road barrier, mga saradong establisimento, kawalan ng pampublikong sasakyan, kawalan ng trabaho at negosyo, mga nahawahan at namatay sa sakit at iba pang naging mukha ng pandemya.

Email: [email protected]

vuukle comment

PILIPINAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with